Snooky Serna

Snooky umamin sa kanyang first and great loves

May 12, 2023 Aster Amoyo 340 views

INAMIN ni Snooky Serna na si Albert Martinez ang “first love” ng kanyang buhay, at muntik na raw silang magtanan noon.

“Pagpasensiyahan niyo na po, baka po kayo ma-ano, pero talagang nagpapakatotoo na tayo ngayon. Si Albert Martinez is the first love of my life,” sabi ni Snooky sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ikinuwento ni Snooky ang hindi niya malilimutang alaala nila ni Albert.

“Siyempre, Tito Boy, noong first time na sinagot ko siya at 14 years old. Love comes to us in all ages, walang pinipiling edad ‘yan. I thank my parents for having been so trusting, na kilala nila kung sino naman ako na when I fell in love, they welcomed Albert with open arms. Noong first time siguro na sinagot ko siya at sinabi ko talaga, pinrofess (profess) ko ‘yung pagmamahal ko sa kaniya na sinabi kong ‘I love you too’,” ani Snooky.

First anniversary nila ni Albert nang magpunta sila sa Antipolo.

“Nakakatawa ‘yung first year namin, gusto naming magtanan na. I was 15 then. We went to Antipolo para magtanan na kaya lang sinumpong si Albert ng asthma niya, so bumalik kami,” natatawang pagbabahagi niya.

Nang tanungin ni Boy kung ano ang posibleng mangyari kung hindi nagka-asthma si Albert, “Baka kami ang nagkatuluyan, mag-asawa na kami.’”

Pero kung tatanungin siya kung sino ang maituturing niyang “great love,” sinabi ng aktres na ito ang namayapang aktor na si Miguel Rodriguez.

“He’s the Filipino version of Superman, si Christopher Reeve. Kita mo just talking about him, it unsettles me ha, Tito Boy,” biro ni Snooky

Camille napapagkamalang kakambal ni John

IBINAHAGI ni Camille Prats ang pagiging very protective sa kaniya ng kapatid na si John Prats noong kabataan nila at magkasama pa sila sa mga TV project. Ito kaya ang dahilan kaya hindi niligawan ng mga taga-showbiz ang aktres?

“Yes. Kasi I remember growing up…well, even naman until now, we are really the best of friends, kasi magkasunod kami,” kuwento ni Camille nang makapanayam sa podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel.”

“Para talaga kaming kambal and people would often mistake na ako ‘yung mas matanda sa kaniya ‘cause we’re only just a year apart,” sabi pa ni Camille.

Dahil sa kasama niya ang kanyang kuya sa trabaho, para daw family thing kaysa sa trabaho ang kanilang ginagawa.

Nagkasama sina Camille at John sa ilang mga youth-oriented show noong kanilang kabataan.

“Enjoy ko talaga kasi para lang kaming magbabarkadang nagtatrabaho tapos kasama ko pa ‘yung kuya ko,” ani Camille.

Ngunit biro ni Camille sa kaniyang sarili, isa ito sa dahilan kung bakit bihira siyang ligawan ng mga lalaking kasamahan nila ni John sa showbiz.

“Ang downside lang no’n na hindi ko na-enjoy is that, wala masyadong nanligaw sa akin na mga artista kasi feeling ko, hinarangan ng kapatid ko, o ‘yung presence niya alone made probably some guys feel a little awkward. ‘Ah kapatid ni John ‘yan, hindi ‘yan talo,’” natatawang sabi ng “AraBella” star.

Ang advantages at disadvantages ng pagiging mula sa angkan ng mga artista

INIHAYAG nina Epy Quizon at Gabby Eigenmann na mali ang paniniwala ng iba na madaling nakapasok sa showbiz industry kapag anak ng artista. Inilahad din nila ang disadvantage kapag mula sa angkan ng mga celebrity.

“Akala nila madali para sa amin na makapasok sa industriya kasi anak ka ni Dolphy or anak ka ni Ralph (tunay na pangalan ni Mark Gil). Akala nila madali. Pero pagpasok mo, ikukumpara ka agad sa mga kapatid mo, sa tatay mo. ‘Yun ‘yung maling expectations ng tao,” sabi ni Epy.

Ayon naman kay Gabby: “It was an advantage na anak ka ng artista or galing ka sa angkan ng mga artista. It was an advantage, a stepping stone, easier way to showbusiness. Pero ang problema lang is they expect you to be as good as your dad or as good as your tito. Sabihin nila ‘Sana, kasing galing niya ang lolo niya si Eddie Mesa.’ It was a pressure, pressure para sa amin ‘yon”

“Misconception nga is akala nila it was easier for us. Mahirap kasi they tend to compare nga eh. I-e-expect nila na kasing galing mo, pero iko-compare nila na ‘parang mas magaling pa rin ang daddy mo, mas gwapo ang daddy mo.”

Parehong kasama sina Epy at Gabby sa big cast ng top-rating primetime series na “Voltes V: Legacy” na napapanood sa GMA7 at iba pang platforms gabi-gabi..

AUTHOR PROFILE