BOC

“Significant milestone” ng BOC sa ilalim ni BOC Chief Bien Rubio

July 23, 2023 Vic Reyes 288 views

Vic ReyesSA unang anim na buwan ng 2023 ay nakapagrehistro ng “significant milestones” ang Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng liderato ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Matatandaan na noon lang Pebrero 13, 2023 umupo bilang hepe ng BOC si Commissioner Rubio, tatlong araw pagkatapos na hirangin siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Isang magaling na intelligence officer ng ahensya, si Rubio ang pumalit kay ex-Commissioner Yogi Filemon Ruiz, dating regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa panunungkulan ni Rubio ay nag-focus siya sa five-point priority program bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na kanyang kababayan.

Ang five-point program ay digitalization, revene collection, trade facilitation, smuggling prevention, at employee welfare.

“BOC has prioritized the modernization of its systems and streamlined customs processes, resulting in an impressive 96.39% rate of digitalization,” ayon kay Rubio.

Ang ongoing ICT projects ay kinabibilangan ng E-Service Catalogue System, Document Management System, Overstaying Cargo Tracking System, at Automated Export Declaration Sytem.

Mula Enero hanggang Hunyo 2023 ay nakakolekta ang BOC ng P433.433 bilyon, lampas ng P12.768 bilyon sa target nitong P420.664 bilyon para sa nasabing anim na buwan.

Naniniwala ang mga taga-BOC na lalo pang gaganda ang performance ng ahensya sa nalalabing limang buwan ng 2023.

Salamat mga taga-BOC, kailangang-kailangan ng bayan ang tulong niyo!

****

Kamakailan ay nagpulong ang mga opisyal ng Bureau of Customs-Port of Clark sa Pampanga at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang nasabing pulong ay naglalayong mapaganda ang ugnayan ng dalawang ahensya sa kampanya ng gobyerno laban sa mga ipinagbabawal na gamot, lalo na ang shabu.

Huwag nating kalimutan na karamihan sa mga illegal drugs ay nanggagaling na sa labas ng bansa bunga ng pagkakasara ng mga shabu laboratories sa Pilipinas.

Sa totoo lang, may mga shipment ng ipinagbabawal na gamot ang nasakote ng mga taga-Port of Clark, na pinamumunuan ni District Collector Ricardo Uy Morales II.

Kaya maganda ang ginawang pagpupulong nina Collector Morales at PDEA Region III Director Gils Salamanca, FedEx Composite Unit OIC Jason Pagala at mga miyembro ng Port of Clark-CAIDTF.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang “meeting addressed measures to further intensify coordination between the two agencies.”

Pinag-usapan din kung paano mai-improve at ma-simplify ang “procedures on illegal drug interdiction and strengthen intelligence and profiling capabilities of frontline personnel.”

Pinasalamatan ni Collector Morales ang mga taga-PDEA Region III sa pagtulong sa Port of Clark para mapigilan ang pagpasok ng illegal drugs sa bansa.

Dagdag pa ni Morales, “mananatiling “firm” ang Port of Clark sa pagpapatupad ng mga batas at regulasyon tungkol sa mga ipinagbabawal na gamot, kabilang na ang shabu at marijuana.”

Congrats, mga taga-BOC at PDEA!

****

Mabuti naman at tumataas na ang level ng tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.

Dito kumukuha ng inuming tubig ang mga naninirahan sa Metro Manila at karatig-pook.

Kung hindi pa dumating si Bagyong Egay na nagpaulan sa iba’t-ibang parte ng bansa, kabilang na ang Central at Southern Luzon at Bicol Region, ay baka lumalala na ang water crisis sa bansa.

Pero hindi pa rin tayo dapat maging kampante dahil nandiyan pa ang El Nino phenomenon na inaasahan magpapahirap sa bansa hanggang sa mga unang buwan ng 2024.

Kaya huwag na tayong magsayang ng tubig. Magtipid pa rin tayo at manalangin para tuloy-tuloy ang pag-ulan sa bansa kahit may El Nino phenomenon.

Iba kasi ang mawalan ng inuming tubig. Lalo na sa mga mahihirap na walang pambili ng bottled water.

Tama ba kami, Vice President Sara Z. Duterte?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:

[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE