Sharon

Sharon at Rowell magkaibigan pa rin ang ex-sweethearts

December 17, 2021 Aster Amoyo 265 views

MEGASTAR Sharon Cuneta and ex-boyfriend (in the 80s) actor-director Rowell Santiago, are reunited in “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sharon plays the role of Aurora Guillermo, the sole heir of Don Ignacio Guillermo (Tommy Abuel) and the true love of Pres. Oscar Hidalgo played by Rowell.

Sina Sharon at Rowell ay gumawa ng ilang pelikula sa bakuran ng Viva Films in the 80’s at kasama na rito ang “Friends In Love,” “Cross My Heart,” “Oras Oras Araw Araw” at “Tatlong Mukha ng Pag-ibig”. Nagkahiwalay man ang dalawa, nanatili silang magkaibigan to this day gayundin ang kanilang respective families.

Bukod kay Rowell, Sharon is also reunited with her good friend Rosanna Roces sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Ang dalawa ay naging extra close sa isa’t isa nang sila’y magsama sa pelikulang “Revirginized” na ipinalabas sa Vivamax streaming app.

LovelyLovely namigay ng kotse sa birthday

ON her 36th birthday last December 11 (Saturday) ay nag-host ang Kapuso dancer, host, actress, comedienne at entrepreneur na si Lovely Abella ng Christmas party na kanyang itinaon sa kanyang kaarawan attended by her employees and business partners ng kanyang Lovely Cosmetics. Isang brand new Toyota Vios ang kanyang ipina-raffle off at ito’y nakuha ng kapatid ng kanyang husband, ang singer-actor na si Benj Manalo na si Ai Manalo na naging very supportive sa Lovely Cosmetics business ni Lovely since day one. Sina Benj at Ai ay dalawa sa mga anak ng singer, actor-comedian at isa sa hosts ng top-rating and longest-running noontime show, ang “Eat Bulaga” na si Jose Manalo.

Ito ang unang beses na nag-celebrate ng birthday party si Lovely na kasama ang kanyang pamilya, mga empleyado at business partners at first time din siyang nagpa-raffle ng isang brand new car. Tuwang-tuwa naman si Ai na isa rin sa nagma-may-ari ng La Marca Jewelry.

Ang dalawa pa sa mga kapatid nina Benj at Ai at mga anak ni Jose ay ang actor na si Nicco Manalo at ang doktorang si Myki Manalo.

XianPaghihiwalay hindi isyu kina Xian at Kim

SINCE natigil ang taping ng “Love. Die. Repeat” TV series na pinagtatambalan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim dahil sa pagbubuntis ng una, binigyan agad ang nobyo ni Kim Chiu na panibagong project, ang “False Positive” na pinatatambalan nila sa unang pagkakataon ng Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro. Ito’y pinamamahalaan ng writer-director na si Irene Villamor na siya ring director ng “Love. Die. Repeat.”

Bukod kina Glaiza at Xian, tampok din sa “False Positive” TV project sina Nova Villa, Tonton Gutierrez, Rochelle Pangilinan, Dominic Rocco, Buboy Villar, Herlene `Hipon” Budol, Luis Hontiveros at iba pa.

Hindi naman isyu sa magkasintahang Kim at Xian na nasa magkaibang TV network sila ngayon. Si Kim ay nananatiling Kapamilya habang si Xian ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency.

DerekDerek at Ellen isasama si Elias sa honeymoon nila sa Africa

MAHIGIT isang buwan na nang ikasal ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna nung nakaraang November 11, 2021 sa Rancho Bernardo in Bagac, Bataan. Pero ang kanilang honeymoon ay mangyayari pa next month (January 2022) sa Africa sa kabila ng pagpasok ng bagong variant, ang Omicron.

Balak isama ng mag-asawang Derek at Ellen ang three-year-old son ni Ellen, si Elias (sa actor na si John Lloyd Cruz) dahil gusto rin nilang ma-experience ng bata ang African Safari. Gustuhin man nilang isama rin ang teen-age son ni Derek na si Austin sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly ay hindi ito puwede dahil ito’y nag-aaral.

Napaka-suwerte ni Elias dahil dalawa ang kanyang ama, ang kanyang biological dad na si John Lloyd at ang kanyang stepdad na si Derek who treats the kid just like his own.

Sa isang taon ay balak ng mag-asawang Derek at Ellen na magkaroon ng sarili nilang baby at kung ang actor ang masusunod ay gusto niyang boy muli ang kanilang maging unang baby ng kanyang wife na si Ellen para magkaroon ng baby brother sina Austin at Elias.

Sa isang taon ay may nakatakdang gawing isang international project si Derek pero wala itong ibinabahaging bagong proyekto with GMA kung saan siya nakakontrata.

DingdongDingdong at Marian sinamantala ang pagpunta sa Holy Land

SINCE pumunta na rin lang sa Israel ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, hindi pinalagpas ng celebrity couple ang pagbisita sa Holy Land in Jerusalem na isa sa nasa bucket list ng Kapuso Primetime Queen.

Tuwang-tuwa ang mag-asawa na nakadalaw sila sa Holy Land bago sila bumalik ng Pilipinas.

Samantala, ayon kay Marian, priceless umano ang kanyang naging experience sa Eilat, Israel nang siya’y umupo bilang isa sa screening committee members ng recently concluded 70th Miss Universe. Personal din niyang napasalamatan ang pangulo ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart who tapped her as among the all-international female celebrity judges ng Miss Universe 2021.

Tiyak na marami ang isi-share ng mag-asawang Marian at Dingdong sa kanilang family vlog, ang The Dantes Squad sa kanilang YouTube channel.

Kasikatan ni Belle nakarating na sa New York

THERE’S no stopping 19-year-old Kapamilya young star Belle Mariano from reaching her dreams. Matapos ang kanyang phenomenal hit mini series with loveteam Donny Pangilinan na “He’s Into Her,” napapanood din ngayon ang dalawa sa kanilang hit streaming movie na “Love is Color Blind” and soon sa part 2 ng “He’s Into Her”.

Hindi makapaniwala ang Kapamilya singer-actress na mapapanood niya ang kanyang sarili sa digital ad ng Spotify’s Equal campaign sa popular Times Square spot in New York, USA kung saan din dati lumabas ang mga pictures nina Nadine Lustre, KZ Tandingan at Ylona Garcia.

Belle and Donny are considered the newest hottest loveteam in 2022.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE