Sharon

Sharon at Kiko binibigyan ng panahon ang isa’t isa

July 11, 2023 Aster Amoyo 274 views

Sharon1Sharon2Sharon3SA kabila ng busy schedule ng mag-asawang Sharon Cuneta at dating Sen. Kiko Pangilinan, they make it a point that they spend quality time together at maging sa kanilang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

Just recently, ang mag-anak ay nakapag-bonding nang husto sa Bohol Beach Club in Bohol where they were also able to explore the beautiful scenic spots ng nasabing lugar at kasama na rito ang world-famous na Chocolate Hills at ang lugar na pinamumugaran ng tarsiers, among others.

Super enjoy ang pamilya ni Sharon sa kanilang recent bonding.

Samantala, malapit na umanong matapos ang filming ng unang tambalan nina Sharon at Kapuso prized actor na si Alden Richards under Cineko Productions, ang “A Mother and Son’s Story” mula sa panulat ni Mel del Rosario at direksyon ni Nuel Naval who directed the 2019 Metro Manila Film Festival top-grossing movie na “Miracle in Cell #7,” local adaption ng hit South Korean movie of same title.

Samantala, marami ang nagsa-suggest na i-appoint umano ni Pres.

Bongbong Marcos si dating Sen. Kiko Pangilinan bilang Secretary of Agriculture dahil maalam ito sa aspetong agrikultura. Although they don’t belong to the same party, sana isaalang-alang ni Pangulong Marcos ang expertise ni former Sen. Kiko sa larangan ng pagsasaka at agrikultura.

Samantala, inamin ng megastar na si Sharon that she will always be indebted sa Kapamilya network pero binuksan na niya ang kanyang sarili sa ibang TV network who might be needing her services.

Sa opening salvo ng bagong noontime program ng TVJ (Tito, Vic & Joey) sa TV5 na pinamagatang “E.A.T.,” si Sharon ang naging special guest.

Yassi ipinagmamalaki ang boyfriend

YassiYassi1BUKAS na sa publiko ang relasyon ng Viva star na si Yassi Pressman sa non-showbiz boyfriend nitong young entrepreneur na si Jon Semira na isinapubliko ng actress, dancer, host, celebrity endorser and entrepreneur a year ago.

Jon was based in Canada but relocated in the Philippines for Yassi dahil narito ang kanyang work. But he travels to Singapore more often na may kinalaman sa kanyang regosyo.

Si Jon ang nagturo kay Yassi na maging isang entrepreneur katulad niya.

Samantala, natutuwa naman si Yassi sa kanyang nakababatang kapatid na si Issa Pressman na masaya ngayon sa piling ng nobyong si James Reid, ex-boyfriend ng Viva singer, actress at celebrity endorser na si Nadine Lustre.

Magkaibigan sina Yassi at Nadine at hindi umano apektado ang kanilang pagkakaibigan dahil sa relasyon nina James at Issa. Nadine herself is happily in a relationship with Filipino-French businessman na si Christophjer Bariou.

Triplets ni Ramon gustong mag-artista

RevillaRevilla1MASAYA ang buhay ngayon ng dating Filipina-Persian sexy star nung late `90s na si Ramona Revilla (Mohsyl Ensafian in real life) sa piling ng kanyang napakabait, supportive and responsible American naval engineer husband na si Engr. Frederick Farrell and their lovely triplet daughters na sina Fersiana, Frederie and Freohseyl.

The couple will be celebrating their 13th wedding anniversary sa darating na October 10, 2023. Sila’y ikinasal nung October 10, 2010 (10-10-10) in the Philippines but had their civil wedding in Las Vegas, Nevada earlier.

Ang mag-anak ay naka-base ngayon sa labas ng American base sa Yokosuka, Japan for the last five years kung saan naka-assign ngayon ang husband ni Ramona na si Fred and they have a nice neighborhood sa nasabing lugar where the triplets have their friends (both Americans and Japanese kids).

Nung isang taon ay napasyalan namin ang pamilya ni Ramona sa Yokosuka, Japan kasama ang Tokyo-based daughter kong si Aila Marie with veteran singer-businessman na si Bobby Valle (na naka-base naman in Chiba, Japan) who drove us from Tokyo to Yokosuka. We had lunch at nakapamasyal kami sa loob the U.S. Base with the couple and the triplets at tuwang-tuwa ang mag-asawang Ramona and Fred that we took time to visit them despite our very limited days stay in Tokyo.

Masaya kami for Ramona dahil sa magandang takbo ng buhay may-asawa nito in Japan. They were formerly based in San Diego, California, USA where they first met.

Although nami-miss niya ang showbiz and her showbiz friends back in Manila, kuntento na umano siya sa kanyang buhay may asawa.

“I am blessed with beautiful family,” deklara niya.

“Napakabait and supportive ng husband ko and we have our three lovely daughters. I cannot ask for more,” aniya.

Bukod sa Yokosuka, Japan, Ramona’s family frequents the Philippines where they also have their own house (in B.F. Paranaque) where Ramona’s mom, Sylvia and house helps stay.

“Pero si Mommy, pabalik-balik din ng Japan at Pilipinas,” sabi ni Ramona.

In July 2020, the triplets would have celebrated their 7th birthday at the Manila Peninsula Ballroom in Makati City. Down payments were made including for their event coordinator and suppliers pero nung March 15, 2020 ay idineklara ang Covid-19 pandemic sa Pilipinas (maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo) and most of the business establishments (including hotels) were closed. Walang choice ang mag-asawang Ramona at Fred kundi hintayin na lamang ang tamang panahon na puwede nilang i-celebrate ang kaarawan ng triplets.

Three years later, bumaba ang pandemya at unti-unting nabalik sa normal ang lahat. The couple decided na ipagpatuloy ang naunsiyaming birthday celebration nina Fersiana, Frederie at Freohsyl at nitong nakaraang July 1, isang engrandeng birthday celebration ang ginanap sa Golden Ballroom ng Okada Manila in Paranque City para sa10th birthday ng triplets. Ito’y pinaghandaan nang husto ng mag-asawang Ramona at Fred maging ng tatlo nilang anak. Daig pa ng tatlo ang nag-debut dahil sa kanilang mga bonggang gowns at iba pang kasuotan for their production numbers.

Hindi rin siyempre nagpatalbog ang kanilang inang si Ramona and their dad na si Fred na may sarili ring individual prod number plus with the kids.

The ballroom was dressed up sa isang Safari-themed back-drop. The food was overflowing, the sounds and lighting system was perfect at isang giant LED wall ang naka-set-up sa likod ng elevated stage.

Bukod sa special production numbers ng triplets at ng mag-asawang Ramona and Fred, ilang special guests ang nagpaunlak ng special song number including Lance Raymundo, Aileen Papin at ang singer-host na si John Nite.

Spotted in the event were Assunda de Rossi and her daughter Fiore, couple Dingdong Avanzado and Jessa Zaragoza, singer, actress-comedienne and host na si Marissa Nallana at iba pa.

Samantala, in our casual talk with the triplets, nagpahayag ang tatlo na gusto umano nilang mag-artista at suportado ito ng kanilang parents na sina Ramona at Fred.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon (for notification) of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with AsterAmoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE