Sharon Alden

Sharon-Alden, DongYan, Matteo-Cristine at Beauty-Derek movies, pasok sa MMFF 2023

July 10, 2023 Vinia Vivar 275 views

Inanunsyo na ang first four entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 ngayong Lunes.

Pasok ang pelikula nina Sharon Cuneta at Alden Richards na “A Mother and Son’s Story” under Cineko Productions at mula sa direksyon ni Nuel Naval.

Sa kanyang Instagram account ay nagdiwang agad ang Megastar sa pagkakapili sa kauna-unahan nilang movie together ni Alden.

Aniya, “We are as of today an official MMFF 2023 entry!!! Yaaayyyy!!!”

Pasok din ang “Rewind” reunion movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera mula naman sa Star Cinema, APT Entertainment at Agosto Dos to be directed by Mae Cruz-Alviar.

Ang dalawa pang napili ay ang horror flick na “Ampon” starring Beauty Gonzalez and Derek Ramsay mula sa Quantum Films sa direksyon ni King Palisoc; at ang “Penduko” ng Viva Films na pagbibidahan nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes sa ilalim ng direksyon ni Jason Paul Laxamana.

AUTHOR PROFILE