Default Thumbnail

Shabu, baril nakuha sa ‘pusher’ sa Laguna

April 2, 2023 Gil Aman 225 views

BUMAGSAK sa kamay ng pulisya ang isang hinihinalang drug pusher kasabay sa pagkabawi ng 600 gramo ng ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-drug na operasyon gayundin ang isang baril na isinagawa 4:03 p.m. ng Sabado sa Malamig, Bgy. San Jose, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ni OIC Laguna Provincial Director P/Col. Randy Glenn Silvio ang arestadong suspek na si Dunhill Almeda, na kabilang sa Laguna na isang High Value Individual sa siyudad ng San Pablo.

Sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pinagsanib na miyembro ng San Pablo Police, Provincial Inyelligence Unit nakuha rin sa suspek ang isang caliber 38 revolver gayundin at dalawang bala.

Nagsagawa ng buy bust operation ang pulisya sa patnubay naman ni P/LT. Col. Joewie Lucas, hepe ng San Pablo City police dakong alas 4:03 ng hapon kung saan isang operaatiba ang nagpanggap na poseur buyer na gumamit ng P2.000.00 bilang kapalit ng shabu.

Kasunod sa operasyon ng San Pablo police, Provincial Intelligence Unit (PIU) and Provincial Special Operation Unit (PSOU) ang pagkakabawi sa dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic ng shabu dalawang piraso ng ng knot tied ng transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang piraso ng isang libong piso at limang hundred paper bills at narekobeer na isang piso.

Nakapiit sa San Pablo City Jail ang suspek na kakasuhan ng drug charges.

AUTHOR PROFILE