Estradafam

Sen. JV sa 60th ni Sen. Jinggoy: Happy birthday, kuya!

February 23, 2023 Ian F. Fariñas 349 views

JVRobinBongChitovhongKUMPLETO ang pamilya’t mga kaibigan ni Senator Jinggoy Estrada sa katatapos na selebrasyon ng kanyang 60th birthday na ginanap sa The Tent at Solaire nitong Biyernes ng gabi.

Pinangunahan ito nina former President Joseph “Erap” Estrada, former Sen. Loi Ejercito, misis niyang si Precy, mga anak at mga kapatid.

Special guests sina President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta, Vice President Sara Duterte at dating Sen. Juan Ponce Enrile.

In full force rin dumating ang fellow senators niyang sina Sen. Bong Revilla, Robin Padilla, Grace Poe, Sonny Angara, Nancy Binay, atbp.

Isa sa highlights ng gabi ang video greeting ng nakababatang kapatid ni Sen. Jinggoy na si Sen. JV Ejercito. Nauna rito’y nag-post siya ng greeting sa social media.

As we all know, ilang panahon din silang hindi nagkasundo na magkapatid.

Maikli man ang pagbati, ikinatuwa naman ng lahat ang panghuling linya niya na “Happy birthday, kuya!”

Pinalakpakan ang parte ng mensahe ng birthday celebrator na nagpapasasalamat kay Sen. JV. Nakiusap siya rito na, “Kalimutan na natin ang mga hindi magandang pangyayari sa nakaraan.

Tigilan na ang mga away-away dahil hindi na tayo bumabata. Let’s work together for our country. Sa lahat ng mga kaanak na kahit kailan ay ni minsan ay hindi bumitaw sa akin, maraming, maraming salamat!”

Bukod sa “JV moment,” sinorpresa rin si Sen. Jinggoy ng mga kaibigan mula sa show business sa pamamagitan ng isang production number.

Magkakasamang kumanta ng paboritong songs ng aktor-politiko sina Bong, Robin, Phillip Salvador, Amy Austria, Lorna Tolentino, Lani Mercado, Bayani Agbayani, Ricky Davao, Marissa Sanchez at Isabel Rivas.

Nag-perform din sina Martin Nievera, Nonoy Zuñiga, Marco Sison, Rey Valera, atbp.

Ang ilan pang mga bisita na namataan sa party ay sina Vhong Navarro, Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, Cong. Toby Tiangco, Gov. Chavit Singson, former Sen. Manny Pacquiao, Direk Chito Roño, Small Laude, Alice Eduardo, Anthony at Rossel Taberna, Direk Bobet Vidanes, Direk GB Sampedro, Malou Choa-Fagar at Redgie Acuña-Magno.

AUTHOR PROFILE