Default Thumbnail

SC RULING SUNDIN

June 9, 2023 People's Tonight 173 views

Apela ng netizens

UMAPELA ang mga netizens na sundin ng pamunuan ng Makati City ang pinal na desisyon ng Korte Suprema sa territorial dispute sa pagitan ng Taguig City.

Sa isang viral video na kumalat sa social media platforms, tuloy pa rin ang laban ayon umano sa pamunuan ng Makati.

“Ang posisyon namin is tuloy ang laban. Naawa ako sa mga anak ko ‘yung mga students, mga anak ko ‘yan. Iba ‘yung level of investment, am not talking about financial, alam ko kasi na hindi kayang ibigay ‘yung kalidad na naibibigay ng isang kagaya ng lungsod ng Makati sa mga estudyante,” pahayag ng pamunuan.

Kasunod ng pahayag na hindi pa tapos ang laban ang pagkalat umano sa social media ng propaganda na “Makatizens, hindi pa tapos ang laban.”

Karamihan sa mga reakyon sa buksan muli ang Makati-Taguig dispute ay panawagan na respetuhin na lang ang desisyon ng Korte Suprema.

“Dapat matuto na lang na respetuhin ang court ruling, lalo na galing na ito sa Supreme Court. Hindi yung kung ano ano pa ang gagawin nila para baguyin yun,” pahayag ng isang Carl Silvestre.

“Huwag tayong magpakalat ng fake news, Supreme Court na ang final. Respect the court’s decision. Tapos na ang laban,” dugtong naman ni Angelica Panal.

Ilang residente ng Taguig ang naglabas din ng saloobin sa social media at nagsabing mas maganda ang pamamalakad sa lilipatang siyudad.

“Bakit kasi hindi na tanggapin ang katotohanan?” paliwanag ni Xavierra Bernardino Adriano.

Ang 30-taong territorial dispute sa pagitan ng Makati at Taguig ay tinapos na ng Supreme Court (SC) sa ipinalabas na resolusyon noong Abril.

Sa pagresolba sa kaso ay pinaniwalaan at binigyang bigat ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang mga ebidensiya at argumento na naiharap ng Taguig.

Pinagtibay ng SC sa kanilang ipinalabas na desisyon ang injunction na ipinalabas noon pang 1994 ng Pasig City Regional Trial Court na pumipigil noon pa sa Makati City na angkinin ang Inner Fort Bonifacio na kinabibilangan ng mga barangay ng Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo at Pitogo.

AUTHOR PROFILE