Salpukang ‘Eat Bulaga’ at ‘It’s Showtime’ tumitindi

March 24, 2024 Aster Amoyo 134 views

TVJ1TUMITINDI ang salpukan ng dalawang noontime programs sa telebisyon, ang “Eat Bulaga” ng TVJ kasama ng Dabarkads sa TV5 at ang “It’s Showtime” nina Vice Ganda, Anne Cutis, et al ng ABS-CBN na mapapanood na sa GMA simula sa April 6, 2024.

Kahit nung hindi pa nawawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at sa bakuran pa rin ng GMA napapanood noon ang “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. ay ang dalawang leading noontime shows na ang nagkakabanggaan sa ere. Hindi na rin matatawaran ang itinagal sa ere ng “Eat Bulaga” na papunta na sa kanyang 45th year although hindi na ang TAPE, Inc. ang producer ng programa kundi ang TVJ Productions na in cooperation with MediaQuest na sister company ng TV5 at Cignal Entertainment.

Kung nagpalipat-lipat na ang “Eat Bulaga” ng iba’t ibang tahanan from RPN9 to ABS-CBN, to GMA then to TV5, gayundin ang “It’s Showtime” na nang mawalang ng franchise ang ABS-CBN ay napunta ito sa ZOE (Channel 11) na ginawang A2Z, TV5, GTV hanggang GMA.

Wala talagang permanente sa mundong ito.

Mananatili ang “It’s Showtime” sa kanilang studio sa ABS-CBN pero mapapanood sa dati nilang karibal na istasyon, ang GMA habang ang “Eat Bulaga” nina Tito, Vic & Joey ay nakahanap din ng bagong tahanan sa Kapatid Network.

Usap-usapan na lilipat ng studio ang bagong “Eat Bulaga” sa APT Studios na pag-aari ng dating president-CEO ng TAPE, Inc. na si Antonio `Tony’ Tuviera para makapag-accommodate ng maraming tao sa audience. Walang bad blood sa pagitan nina Mr. T (Tony Tuviera) at TVJ na sanggang magkakaibigan hanggang ngayon.

Come April 6 ay magkakaalaman kung alin sa dalawang longtime noontime shows ang mangunguna sa ratings – “Eat Bulaga” ba ng TV5 o ang “It’s Showtime” sa GMA? Tiyak na paghahandaan ito ng dalawang kampo.

Albie ‘di nakiramay sa ex na si Andi

AlbieAlbie1IT could have been a nice gesture sa part ng actor na si Albie Casino kung nakiramay at nagpakita man lamang siya sa wake ng ina ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann, ang yumaong veteran actress na si Jaclyn Jose dahil ito’y mangangahulugan na nakapag-move on na siya sa ‘trauma’ na kanyang pinagdaanan nang mapagbintangan siyang siya umano ang ama ng panganay ni Andi na si Ellie which he vehemently denied. Nag-deny din naman noon ang isa pang ex-boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito pero sa kalaunan ay ito ang lumabas na biological father ni Ellie. Jake even fought for his right sa kanilang anak ni Andi at na-vindicate sa aspetong ito si Albie. Although hindi nagkabalikan sina Andi at Jake, naging magkaibigan sila alang-alang sa kanilang common bond na si Ellie. Sa part naman ni Albie, mukhang isinara na nito ang kanyang pintuan kay Andi kahit man lamang sa pagiging civil sa kanyang pakikitungo sa aktres.

During the presscon ng “Kasalo” na siyang launching movie ni Vern Kaye under Vivamax sa pinamahalaan ni HF Yambao, sinabi ng actor na hindi umano siya nagtungo sa wake ng ina ng kanyang ex-girlfriend dahil alam din naman daw niya na hindi siya welcome dun.

Samantala, marami ang nagtaka nang makisama sa pakikipaghubaran si Albie sa sexy movie na “Kasalo” na streaming sa Vivamax this week. Ayon sa actor na napapanood din sa top-rating primetime series na “Can’t Buy Me Love,” bilang actor, ayaw niya umanong magkaroon ng restrictions sa kanyang sarili at hindi pa umano niya nagagawang magpa-sexy sa alinmang proyektong nagawa na niya both sa TV o telebisyon.

Natutuwa rin umano siya na pinagkatiwalaan siya ng Viva na mapasama sa pelikulang “Kasalo” kung saan din tampok sina Mia Cruz at Rash Flores among others.

Ang “Kasalo” ay streaming na on Vivamax simula ngayong Martes, March 26.

Angeline nagpapaseksi pero gustong makatapos ng pag-aaral

ANG baguhang sexy actress na si Angeline Aril ang pangunahing bida sa isa pang sexy movie na “Cheaters” na pinamahalaan ni Dustine Celestino na palabas sa Vivamax sa darating na April 2, 2024. Kasama sa movie sina Aerol Carmelo, Kara Fernandez, John Mark Marcia, among others.

Tulad ni Vern Kaye, produkto rin ng isang broken family si Angeline at ang makatulong sa kanilang respective families ang kanilang main goal kaya pumasok sila sa showbiz at sa pagpapa-seksi.

Si Angeline ay estudyante ng Far Eastern University (Main) kung saan siya kumukuha ng Mass Communication na kahit nag-aartista na siya ay gusto pa rin umano niyang tapusin ang kanyang pag-aaral para meron siyang fallback pagdating ng araw.

Kahit nagpapa-seksi siya sa kanyang pelikula (o mga pelikula), hindi pa naman daw siya nakakatanggap ng panunukso mula sa kanyang mga schoolmates at kaklase maging sa kanyang mga professors.

“Kapag nasa school ako, estudyante ako run at walang dahilan para bastusin nila ako,” aniya.

Thankful pareho sina Vern at Angeline sa Viva na sila’y nabigyan ng break na mapahanay sa mga sexy stars ng Vivamax.

Bearwin umaming yumabang, sumadsad, pero nakabangon

BearwinBearwin1Bearwin2MAITUTURING na isang renewed Christian ang actor-comedian na si Bearwin Meily na nagmula rin sa isang blended family. Marami umano siyang mga kapatid sa father side na ang pinaka-panganay ay ang dating actor na si Emil Sandoval, anak ng veteran former actress na si Chona Sandoval na isang Salvador sa tunay na buhay at nagmula sa family clan ng mga Salvador in showbiz. Kapatid din niya ang mahusay na direktor na si Mark Meily.

Sa rami nilang magkakapatid na magkakaiba ang ina (mag-isa lamang siya sa mother side), may pagkakataon na mag-isa lamang daw siya at hindi gaanong nakikihalu-bilo sa kanyang ibang kapatid while he was growing up. Nung makilala niya si John Estrada na bagong simula pa lamang noon sa showbiz, sumama-sama siya rito bilang alalay pero hindi umano siya trinatong alalay ng actor kundi bilang isang kapatid. Isinasama umano siya sa taping noon ng “Palibhasa Lalake” kung saan tampok ang mga alaga noon ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano na kinabibilangan nina Joey Marquez, Richard Gomez, Anjo Yllana, John Estrada at iba pa. Since kasama siya parati ni John, there were times na nabibigyan umano siya ng extra roles hanggang mapansin siya ni Mr. M (Johnny Manahan) na siyang head noon ng Star Magic ng ABS-CBN and he was signed-up.

Habang siya’y nasa Star Magic, naging sunud-sunod umano ang kanyang proyekto at nakilala siya bilang actor-comedian.

Hindi ikinakaila ni Bearwin na yumabang umano siya noon at nagkaroon ng bisyo na siyang naging dahilan ng kanyang maagang pagkawala sa showbiz. Pero ang kayabangan niya ay nawala nang sumadsad ang kanyang buhay kasama ang pamilya.

Ang naipatayo niyang dream house at dalawa niyang sasakyan ay naibenta niya at natuto silang mamuhay ng payak at hindi nahiyang sumakay ng tricycle. Pero kung kelan sumadsad ang takbo ng buhay ni Bearwin at ng kanyang pamilya ay siya namang naging daan niya para siya’y mapalapit sa Panginoong Diyos. Lahat ng naging bisyo noon ni Bearwin ay tinalikuran niya. There came also a point na nagkaroon sila ng problema ng kanyang misis na si Lara na nagkaroon ng third party pero sa halip na mapunta sa hiwalayan ang kanilang pagsasama ay pinatawad niya ito kaya masaya silang nagsasama ngayon kasama ang dalawa nilang anak.

Unti-unti na ring gumaganda ang takbo ng buhay ni Bearwin at ng kanyang pamilya at nag-aaral sa magkahiwalay na exclusive schools ang dalawa niyang anak. At ang maganda pa, pare-parehong active sa church si Bearwin, his wfe na si Lara at dalawa nilang anak.

Back to showbiz na rin si Bearwin na regular na napapanood ngayon sa “3 In 1” on Net25 kung saan kasama niya sina Maricel Soriano at ang pamilya Quizon – Eric, Epy, Vandolph, Boy2, Vito at iba pa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE