Default Thumbnail

Saksi ni Jehovah members may assembly sa QC

December 12, 2023 Jun I. Legaspi 303 views

MAGDARAOS ang mga miyembro ng Saksi ni Jehovah ng assembly sa Disyembre 17 sa Metro Manila Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses sa Brgy. Kaligayahan, Fairview, Quezon City.

May temang: “Pumasok Kayo sa Kapahingahan ng Diyos” na batay sa Bibliya sa Hebreo 4:11, magsisimula ang assembly sa pamamagitan ng musika sa oras na alas-9:40 ng umaga at magtatapos alas-3:55 ng hapon.

May salig sa bibliyang pahayag na, “Pumasok kayo sa kapahingahan ng Diyos-paano?” sa umaga ang sesyon at susundan ng paksang “Ang Salita ng Diyos ay Buháy”—Ano ang Ibig Sabihin Nito?

Huling programa sa umaga ang “Pag-aalay at Bautismo” na karaniwang bahagi ng malalaking mga pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova na idinaraos sa buong mundo.

Makakapakinig sa panghapong sesyon ang mga dadalo ng mga karanasan at isang pagtalakay at summary sa isang artikulong aralin sa magasing Ang Bantayan.

Susundan naman ito ng isang simposyum na may paksang, “Pinapasaya Nila ang Puso ni Jehova!” para sa mga kabataan, kababaihan at mga may-edad na magkaroon ng giya sa pang araw araw na hamon ng buhay.

Mayroong mga 3,000 delegado mula sa mga lugar ng Imus at Bacoor Cavite ang dadalo sa linggo pero welcome at inaanyayahang dumalo sinuman sa walang bayad na assembly na ito.

AUTHOR PROFILE