Fire INFERNO–Pinapatay ng mga bumbero ang sunog na lumamon sa mga bahay sa Happy Land Tondo noong Martes ng madaling araw. Kuha ni Jon Jon Reyes

100 bahay nilamon ng apoy sa Happy Land

December 12, 2023 Jonjon Reyes 591 views

Fire1HUMIGIT-kumulang sa 100 bahay at nasa 200 pamilya ang wala nang titirhan nang lamunin ng apoy ang Happy Land sa Tondo, Maynila noong Martes.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay sa panulukan ng Road 10 at M. Lopez Blvd., sa Tondo, Maynila.

Unang inakyat sa unang alarma ang sunog alas- 3:09 ng madaling araw at inakyat sa ikaapat na alarma dakong alas-4:16 ng madaling araw.

Dalawa ang nasaktan at sugatan sa sunog na nakilalang sina Jessary Diestro, 16, na nawalan ng malay dahil sa hika, at Christian Gracio, 21, fire volunteer, dahil sa sugat sa kaliwang braso.

Pasado alas-6:57 ng umaga nang idineklarang fire out ang sunog ng mga bumbero ng BFP.

Hindi pa alam ng mga bumbero ang dahilan ng sunog at kung magkano ang halaga ng lahat ng natupok.

AUTHOR PROFILE