Sachzna Larawan mula sa IG/Sachzna Laparan

Sachzna inurirat na alaga sa turok

February 16, 2024 People's Tonight 174 views

IBINANDERA ng aktres at social media personality na si Sachzna Laparan ang kanyang curvaceous body sa mga bago nitong larawan.

Bumalandra sa netizens ang matambok na balakang ni Sachzna sa kanyang Instagram page nitong Miyerkules, February 14.

Suot ng aktres ang itim na one-piece bodysuit habang todo-awra sa kanyang pose.

Inurirat naman ng isang netizen ang laki ng balakang ni Sachzna at kinumpara pa nga ito sa ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda.

“Pang vice ganda na yung balakang hahahaha inject pa more,” saad ng netizen.

Samantala, pinuri naman ng iba ang pagbibida ng social media star sa kanyang katawan.

Sey pa nga nila: “Penge balakang!!!”, “Grabe yung balakang!”, at “Kasexy naman.”

AUTHOR PROFILE