Ronnie

Ronnie at Loisa maagang natuto sa buhay

March 10, 2023 Aster Amoyo 418 views

Ronnie1NAKAKATUWA ang magkasintahang Ronnie Alonte (26) at Loisa Andalio (23) na kahit mga bata pa ay naisipan nang mag co-venture sa negosyo. They are now a proud franchisee ng Farron Café, isang coffee shop na matatagpuan along Molino Highway in Bacoor, Cavite with branches in Binan, Laguna plus another business ng young actress, ang Blooms Project.

It was during the pandemic nang mag-decide ang young couple na magtayo ng sarili nilang negosyo dahil nawalan sila ng trabaho at kita.

Ang showbiz kasi ay may pera ka lamang kapag may project ka at hindi ito nangyayari araw-araw unlike ang negosyo na kapag maganda ang takbo ay may regular kang income. Dito na-realize ng magkasintahan na pasukin ang pagne-negosyo late last year sa pamamagitan ng kanilang joint account to bankroll their first business.

Although wala pa sa kanilang immediate plans ang pagsi-settle down, gusto na nilang paghandaan ang kanilang future as a couple at maging sa kanilang magiging anak o mgaanak.

Aminado ang young couple na hindi madali at first na pasukin ang isang negosyo lalupa’t pareho silang baguhan sa aspetong ito pero dahil sa kanilang dedication, unti-unti nila itong natutunan making them now as young entrepreneurs.

Sa kabila ng kanilang pagiging young entrepreneurs, hindi pa rin nila tatalikuran ang kanilang respective showbiz careers dahil ditto sila nagsimula, nakilala at nakapag-ipon.

Aminado si Ronnie na numg umpisa ay may takot sila sa negosyo but had to take the risk just the same. And they’re both glad na ito’y ginawa nila.

After their iWant TFC series na “Love in 40 Days,” may follow-up project na sisimulan ang dalawa at kaya naman nila balansehin ang kanliang respective careers at ang kanilang negosyo.

May bago ring movie project si Loisa na tatampukan nila ni Coleen Garcia, ang”Friendly Fire” na pamamahalaan ng critically-acclaimed young director na si Mikhail Red.

Top celebrity taxpayers pinarangalan ng BIR

CocoGINAWARAN ng parangal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga top celebrity tax payers nung 2022 na pinangunahan nina Coco Martin, ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Anne Curtis at marami pang iba which include Willie Revillame, Vic Sotto, Judy Ann Santos, Liza Soberano, Sarah Geronimo, Michael V., Maja Salvador and more.

Ang parangal ay bilang pagkilala sa top celebrities na nagbabayad ng tamang buwis upang tularan ng iba.

Bianca umaasang si Ruru na ang ‘the one’

BiancaANG Kapuso young star na si Bianca Umali lamang ang hindi nakarating sa contract-signing ng ilang Kapuso stars with the country’s leading beauty and skin brand, ang Beautederm na ginanap sa ballroom ng Luxent Hotel in Quezon City nung Martes, March 7. Pero dumating sa nasabing contract signing and media conference ang kanyang nobyo (of almost five years) na siRuru Madrid kasama sina Buboy Villar, Cassy Legaspi, Isabelle Ortetaga, EA Guzman, Thia Thomalia, Patricia Tumulak at dati nang Beautederm brand ambassador na si Sanya Lopez.

The 23-year-old Kapuso young star ay wala nang mga magulang at siya’y lumaki sa pangangalaga ng kanyang paternal grandmother.

It was in 2005 nang sumakabilang-buhay ang kanyang ina dahil sa breast cancer habang ang kanyang ama naman ay sumunod five years later dahil sa sakit sa puso. Pero meron siyang 6 half-siblings sa kanyang parents, dalawa sa kanyang ina at apat naman sa kanyang ama.

At a young age ay natutong maging independent si Bianca.

Bago ang kanyang present boyfriend (of over four years) na si Ruru Madrid, the Kapuso youngstar was in a relationship with another Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix na tumagal din ng halos tatlong taon.

Umaasasi Bianca na si Ruru na ang kanyang ‘the one’ at makakatuluyan baling araw.

Francis M inalala ng pamilya

FrancisFrancis1Francis2GINUNITA ng kanyang pamilya, mga kaibigan at suppoters ang 14th death anniversary ng tinaguriang King of Rap and Master Rapper na si Francis Magalona or Francis M nung March 6.

Si Francis M. ay sumakabilang-buhay at age 45 nung March 6, 2009 sa sakit na leukemia.

Ang misis ni Francis M. na si Pia Arroyo-Magalona together with four of their children and two grandchildren na sina Saab, Elmo, Arkin at Clara ay dumalaw sa puntod ng kanilang yumao. Wala roon ang iba pang mga anak nina Francis M. at Pia na sinaMaxene, Nicolo, Francis, Jr. at adopted daughter na si Unna.

Hindi na inabutan ng King of Rap ang dalawa niyang apo kay Saab na sina Pancho (named after Francis M’s late father, ang veteran actor na si Pancho Magalona) at si Vito maging ang pag-aasawa ni Maxene hanggang sa ito’y mahiwalay sa kanyang mister na si Robby Mananquil.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE