Rurei

‘Eat Bulaga,’ ’di kumpleto kung wala ang TVJ — Ruru

March 8, 2023 Ian F. Fariñas 443 views

Aminado si Ruru Madrid na nalulungkot siya at nababalisa sa naglalabasang balita tungkol sa Eat Bulaga kung saan ay isa siya sa guest co-hosts.

Nababalitaan lang daw niya ang nangyayari at wala pa naman daw sinasabi sa kanila ang management.

Ito nga ang mainit na pinag-uusapan ngayon na diumano’y mawawala na sina Tito, Vic & Joey sa longest-running noontime show at iba na ang magiging titulo.

“Actually, nababalitaan ko lang siya dahil nga lately, hindi po kami nakakapag-Eat Bulaga gawa nang nagte-taping kami for The Write One. May mga nagsasabi sa ‘kin pero wala naman pong nakakapag-confirm kung ano po talaga ang nangyari,” sey ni Ruru nang makatsikahan namin kahapon sa contract signing ng Sparkle GMA Artist Center talents bilang endorsers ng Beauterderm.

Last year lang pumasok si Ruru at girlfriend niyang Bianca Umali bilang guest co-hosts ng EB. Ano ang feeling niya na kakapasok lang nila saka naman nagkaroon ng ganitong problema?

“‘Yun nga, eh. Actually, nakakaano rin po. Parang kahit papa’no, medyo nakakabalisa rin. Na napapaisip ka na parang hindi mo alam kung ano ang mangyayari.

“But I’m pretty sure, malalampasan naman po ‘yan. Magiging okay po lahat. Sabi ko nga, hindi lang po ito para sa kung sinong tao or kaninong personalidad dito sa industriya but para po ito sa mga manonood talaga,” he said.

Naniniwala naman ang Kapuso actor na hindi kumpleto ang Eat Bulaga kung wala ang TVJ.

“Simula noong bata ako, nanonood ako ng Eat Bulaga, nandoon na po sila, so, I don’t think magiging Eat Bulaga pa rin siya nang walang TVJ,” aniya.

Samantala, isa si Ruru sa mga Sparkle artist na nag-renew ng kontrata sa Beautederm kasama sina Cassy Legaspi, Rayver Cruz at Sanya Lopez.

Kasabay nito ay ang pagpirma naman ng bagong kontrata ng ilan pang Sparkle artists na sina Patricia Tumulak, Buboy Villar, Thia Thomalla, Ysabel Ortega, at EA Guzman.

Sila ang mga bagong mukha ng Beautederm.

Limang taon na ang partnership ng Beautéderm at Sparkle GMA Artist Center.

Sa ginanap na media conference ay nagpasalamat ang CEO at president na si Rhea Anicoche-Tan sa kontribusyon ng Sparkle sa kanyang kumpanya.

“I value my partnership with Sparkle GMA Artist Center. Part of the reason why Beautéderm continues to sparkle is because of these artists — Ruru, Rayver, Cassy, Bianca, Sanya — who put us on the map. They represent the brand well through their efforts, talents and beauty inside and out,” kwento ni Rhea.

Sina Cassy, Bianca, Ruru, Rayver at Sanya, kasama sina Patricia, Buboy, Thia, Ysabel at EA ang mga endorser ng Blanc Set, isang effective at proven skincare regimen that delivers visible results in as early as one week.

COCO, NAKIPAGRAKRAKAN SA BAGUIO

Sinalubong ng napakaraming tao ang Primetime King na si Coco Martin, kasama ang iba pang cast members ng FPJ’s Batang Quiapo, sa Panagbenga Kapamilya Karavan sa Baguio City noong Marso 4 (Sabado).

Nakipagrakrakan si Coco sa libu-libong tagahanga na nagtipon sa paligid ng Burnham Park nang kantahin niya ang Beep Beep ng Juan de la Cruz band, suot ang signature niyang porma na leather jacket at shades.

Kasama ng lead star ang iba pang cast members na sina Smugglaz, Bassilyo, Norvin at Lovely Dela Pena, Ghost Wrecker, Ryan Martin, Jojit Lorenzo, Ronwaldo Martin, Sugar Ray Mammoth, Bigmak, Baby Giant at Sen. Lito Lapid.

Umawit din ang dalawang ABS-CBN Star Music artists na sina Carlo Bautista at Trisha Denise.

Ang FPJ’s Batang Quiapo, sa pangunguna ni Coco bilang “Tanggol” at Lovi Poe bilang “Mokang,” ay umere noong Pebrero 13.

Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa serye dahil nakakuha ito ng 44 milyong views sa unang linggo.

Panoorin ang maaaksyong eksena nito sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, TFC IPTV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Ang Panagbenga Kapamilya Karavan ay pangatlo pa lamang sa mga aabangang caravan ngayong taon na naging posible sa pagsisikap ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR at A2Z Regional.

AUTHOR PROFILE