Bianca

Bianca, muntik sagasaan si Ruru dahil sa selos

March 8, 2023 Jun Nardo 564 views

BALIK-TANAW muli si Boy Abunda sa matagal nang nangyari kina Bianca Umali at Ruru Madrid sa parking lot ng SM Megamall ilang taon na ang nakararaan.

Ang tsismis na kumalat, halos sagasaan umano ni Bianca si Ruru matapos ang premiere night ng Cara X Jagger movie ni Ruru na si Jasmine Curtis-Smith ang kapareha.

Hindi pa lantad ang relasyon nina Ruru at Bianca noon kaya nang mangyari ang umano’y sagasaan, kumalat na may relasyon sila pero nanatiling tiklop ang kanilang mga bibig.

Nang mag-guest si Bianca sa Fast Talk ni Boy nitong nakaraang araw, natanong ang tungkol doon. Nilinaw ni Bianca na matagal nang issue ‘yon pero exaggerated ang lumabas.

Sa pagkakaintindi namin, nasabi ni Bianca na patung-patong na ang pagsisinungaling sa kanya ni Ruru.

Selos din ang nagtulak sa kanya upang komprontahin si Ruru.

“Singungaling si Ruru that time. Eh, marami na akong pinagdadaanan that time. Nag-break kami after that tapos, nagkaayos muli,” bahagi ng pahayag ni Bianca.

All is well na sa showbiz couple. Pareho na silang member ng INC at magkasama sa GMA at Viu series na The Write One na ipalalabas sa March 20.

PAGPORMA KAY ASHLEY, DINENAY NI XIAN

HINDI totoo na pinupormahan ni Xian Lim ang partner niya sa GMA series na Hearts on Ice na si Ashley Ortega kahit hiwalay na ito sa boyfriend niyang politician.

Matatag ang relasyon ni Xian sa girlfriend na si Kim Chui kaya itinanggi niya ang tsismis sa kanila.

Eh, sa series na Hearts on Ice, nag-training si Xian ng figure skating at sa TV plug nito, swak na swak agad sa kanilang pag-indayog sa skating rink sina Xian at Ashley, huh!

AUTHOR PROFILE