Rita

Rita baby boy ang hinihintay

September 20, 2022 Aster Amoyo 441 views

Rita1

BABY boy ang nakatakdang isinilang ng kauna-unahang Popstar Kids grand champion-turned Kapuso singer-actress-host na si Rita Daniela who turned 27 last September 15.

In a couple of months ay magiging isa nang ganap na ina si Rita na isa sa kanyang mga pangarap.

Si Rita ay apo ng veteran comedian na si Teroy de Guzman na sumakabilang-buhay nung 1990.

Since she was a kid ay pagkanta na ang kanyang passion hanggang siya’y mag-crossover sa pagiging isang aktres and host sa bakuran ng GMA kung saan din nabuo ang tambalan nila ng singer, actor at entrepreneur na si Ken Chan na nung umpisa ay siyang pinaghinalaang ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon.

Non-showbiz ang boyfriend ni Rita na ama ng kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan ngayon na up to now ay ayaw pa rin niyang ibahagi sa publiko.

It was in June 2022 nang i-announce ni Rita ang kanyang pagbubuntis sa “All-Out Sundays” kung saan siya mainstay. Mag-isa naman siyang dumalo sa GMA Gala Night without her partner nung July 30, 2022 na ginanap sa ballroom ng Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City sa Taguig.

Sa recent edition ng “All-Out Sundays” ng GMA ay ibinahagi ni Rita na boy ang kanyang magiging unang supling.

As to her former ka-loveteam na si Ken Chan, masaya ito para sa kanyang kaibigan dahil matutupad na rin nito sa wakas ang pangarap niyang maging isang ina.

Hindi pa man noon ipinapaalam ni Rita sa publiko ang kanyang pagbubuntis ay alam na ito ni Ken dahil ipinagtapat ito sa kanya ng kanyang dating ka-loveteam.

KimKim1

Kim at Xian naging faithful sa Korean version

EXCITED ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim sa kanyang reunion movie after almost 8 years of not doing any films together sa pamamagitan ng Philippine adaptation ng 2011 Korean hit movie na “Always” na pinamahalaan ni Direk Dado Lumibao under Viva Films. Ang nasabing pelikula ay matutunghayan sa mga sinehan nationwide simula sa darating na September 28, 2022.

Inamin ni Xian na kahit matagal na silang magkasintahan ni Kim ay nagkaroon umano ng ilangang factor sa kanilang first shooting day sa tagal na hindi sila gumawa ng pelikula together.

“We did movies separately kaya nang muli kaming magsama sa set ng comeback movie namin, talagang nakaramdam kami ng kakaiba. Pareho kaming nanibago,” pag-amin ng actor-turned director and producer.

“Nakaramdam kami ng excitement at kaba,” dugtong naman ni Kim.

First time pareho nina Kim at Xian na makatrabaho bilang movie director si Direk Dado Lumibao na puring-puri ang dalawa dahil sa ipinakitang galing at professionalism ng magkasintahan. First movie rin ito ni Kim with Xian under Viva Films.

“Naitawid namin nang maayos ang pelikula nang walang problema,” pagmamalaki pa ng director.

Naniniwala rin ang TV and movie director na importante ang collaboration between the director at actors para maging smooth ang flow ng shooting ng pelikula na siyang nangyari sa pelikulang “Always”.

Ayon kay Direk Dado, naging faithful umano sila sa kuwento ng Korean movie version na dinagdagan lamang umano niya ng pagiging more human, warmth at kilig for the Filipino audience.

Inamin din ng director na ipinagdasal umano niya na maipalabas ang pelikula sa mga sinehan na siya namang mangyayari kaya sobra siyang nagpapasalamat.

Ipinagmalaki rin ni Direk Dado na hindi umano nagpa-double si Xian bilang isang boxer in the movie although inamin niya na kinabahan umano siya dahil priority sa kanya ang safety ng kanyang mga artista sa set. Pero si Xian din umano ang ayaw magpa-double.

Natutuwa rin si Direk Dado na ibang-iba ang chemistry nina z Kim at Xian after not doing any films together sa loob ng walong taon and he assures everyone na lalo umanong mai-inlab ang mga manonood hindi lamang sa magkasintahan kundi sa kanilang characters na pinu-portray sa pelikulang “Always” kung saan bulag ang character ni Kim as Ana.

G-Toengi

Giselle in town

FIL-SWISS singer, actress, host G Toengi (Giselle Anne Tongi-Walters)- 44 is currently in town for a couple of days stay and flying back to the US on Tuesday, September 27.

It was in early 2000 nang talikuran ni G Toengi ang kanyang showbiz career sa Pilipinas and move to the US with her family, ang kanyang American husband na si Tim Walters at dalawang anak na sina Kenobe Benjamin at Sakura Anne Marie.

It was in 2014 when G replaced Janelle So as host-producer ng “Kabayan Today” which airs on KSCI (LA-18).

Nagpakasal sina G at Jim Walters in a beach wedding sa Boracay on February 19, 2005.

Limang taong gulang pa lamang noon ni Giselle (G) nang siya’y maispatan ng isang talent agent sa isang mall at naging daan ng kanyang pagiging commercial model. Naging bahagi rin siya ng pioneer batch ng Star Circle (now Star Magic), ang talent management arm ng ABS-CBN, her entry point sa showbiz.

Taong 1998 naman nang siya’y maging VJ ng MTV Asia in Singapore.

Si Giselle ay ipinanganak in France to her Swiss father and Filipina mother. Lima silang magkakapatid. Her other siblings are Avie, Tony, John and Sharon.

Giselle was raised by her mother in New York, USA at siya’y nakapag-aral sa Lee Strasberg School of Acting in New York City. She was 15 when they moved to the Philippines.

Back in Los Angeles, California, USA, she obtained her bachelor’s degree in Communication Arts sa University of California in L.A. and took her master’s degree in non-profit management in Antioch University.

Isa sa mga rason kung bakit nag-relocate sa Amerika si Giselle and her famly ay dahil na rin sa kanyang Hollywood dream. She landed in “Saved by the Bell: The Musical” in the US na sinundan ng stage play in 2004, ang “Days When Cocaine Was King. She also played a planted fan sa mga contestants ng “America’s Next Top Model, Cycle 16”.

The last information we got ay konektado umano si Giselle sa Island Pacific, a supermarket chain na pag-aari ng mister ng dating actress na si Krista Ranillo-Lim na si Jefferson ‘Nino’ Lim.

Watch out for my exclusive interview with G Toengi on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

AUTHOR PROFILE