Hontiveros Sen. Risa Hontiveros Source: Risa Hontiveros FB

RISA: MAGING MAPAGBANTAY

March 7, 2024 People's Tonight 106 views
Quiboloy
Pastor Apollo Quiboloy
Source: Screen grab SMNI YouTube

Matapos ‘mabitin’ pagpa- paaresto kay Quioboly

NANAWAGAN si Sen. Risa Hontiveros na maging mapagbantay at huwag bibitaw ang sambayanang Pilipino upang ipaglaban ang hustisya ng mga diumano’y biktima ng Kingdom of Jesus Christ (KoJC) founder at lider na si Pastor Apollo Carreon Quiboloy.

Ito ang tugon ni Hontiveros, chairman ng Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, matapos mabitin ang pagpapa- aresto nito kay Quiboloy bunga ng ginawang ‘objection’ ni Senador Robinhood Padilla sa gitna ng padinig kamakailan lamang.

Ani Hontiveros, ang selebrasyon ng International Women Day ay upang bigyan pugay ang maraming kababaihan na tumayo at lumaban para sa tama at para sa kanilang karapatan sa lipunan. Ito aniya ay isang pamamaraan din upang magpakita tayo ng suporta sa mga victim-survivors ni Quiboloy.

Ang mga kaso na diumano’y ikinakabit kay Quiboloy ay ang mga krimen tulad ng large-scale human trafficking, sexual violence, at child abuse. Sa mga naunang pagdinig ay ipinakita ng komite ang mga testimonya ng mga sinasabing biktima ng KoJC ilang taun na ang nakakaraan.

“Our women witnesses have had to overcome overwhelming feelings of shame and fear in order to speak their truth, to get justice, and to find peace. Ngayong ipinagdiriwang natin ang araw ng kababaihan, sana matiyak natin ang hustisya para sa bawat babaeng paulit-ulit na inabuso ng taong itinangala nila,” ani Hontiveros.

Matatandaan na mismong sa US court, nuong 2021 ay nasampahan din ng parehong kaso si Quiboloy tulad ng systematic rape ng mga kababaihan kasama rin sa kaso na isinampa diumano ay isang menor de edad na 11 years old na batang babae.

Kamakailang lamang, nirepaso ng Department of Justice ang ilan kaso ng isinampa kay Quiboloy sa krimen na trafficking at child abuse nang isang 17 years old na bata nuong 2019.

“This IWD, I call on all of us to listen to these women and girls. Let us not waste their courage. Hindi madali ang ginawa nilang pagbahagi ng mga mapapait na karanasan alang-alang sa hustisya.

Let us show them that justice in this country can work for the most vulnerable,” ani Hontiveros

“To the victim-survivors, your strength and resolve remind us of the women before us who fought for our dignity, our freedom, and our rights. Your grace amid this chaos inspires us to stand with you, tall and undeterred. Umaasa ako na titindig hindi lang ang Senado, kundi ang buong bansa, kasama ninyo,”dagdag pa ng senadora.

Samantala, sa isang panayam, kinumpirma naman ni Sen. Robinhood Padilla na mayroon na siyang limang miyembro senador na pumirma sa kanyang objection kung saan ay naniniwala siyang dapat ihinto na ng senado ang pagdinig laban kay Quiboloy.

Sa kanyang argumento, inilahad ni Padilla na mayroon umanong separasyon ng simbahan at estado at dapat lamang aniyang makita ito dahil maliwanag naman daw na nakasaad ito sa ating konstitusyon.

“Sana para huwag na lang itong lumaki. Nasa DOJ na pabayaan na lang natin. Meron tayo sa Constitution ng paghihiwalay ng simbahan at estado. ” ani Padilla.

Idinagdag pa ni Padilla na mismong ang DOJ ang nagkumpirma na gugulong na sa korte ang kaso ni Quiboloy kayat wala na aniyang saysay pang talakayin ito sa senado.

Sa naganap na panayam ay inilahad ni Padilla ang mga pumirma upang harangin ang warrant of arrest kay Quiboloy na sina Sen.Senators Imee Marcos, Cynthia Villar, and Bong Go.

Sinasabi naman na tumanggi umanong pumirma sina senador Raffy Tulfo at Sen. Grace Poe.

Sa ilalim ng rules of the Senate, kailangan makakalap ng walong pirma ng mga miyembro ng nasabing komite upang maharang ruling na i-cite in contempt si Quiboloy na magiging dahilan upang siya ay mapa aresto.

Ang mga miyembro ng nasabing komite, bukod kay Hontiveros na siyang chairperson ay sina Senator Nancy Binay, Vice Chairperson, Sen. Pia Cayetano, Grace Poe, Imee Marcos, Robin Padilla, Raffy Tulfo, Christopher Lawrence Bong Go, Joseph Victor Ejercito, Mark Villar, Loren Legarda, Joel Villanueva at Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel III.

Matatandaan na nanawagan na si Hontiveros sa pangulo ng senado na si Senate President Juan Miguel Zubiri sa posibleng pagpapaaresto kay Quiboloy.

AUTHOR PROFILE