Suspek Himas rehas na bakal ang suspek matapos maaresto ng mga operatiba ng MPD. Kuha ni JONJON C. REYES

Rider timbok sa kasong pagpatay

August 23, 2023 Jonjon Reyes 254 views

KULUNGAN ang kinahantungan ang isang 26-anyos na binata matapos maaresto ng mga operatiba ng District Investigation Division 2 , Special Mayor’s Reaction Team (DID2- SMaRT) ng Manila Police District dahil sa kaso nitong pagpatay makaraang isilbi ang arrest warrant laban dito sa Gawad Kalinga , Baseco Compound, Port Area.

Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- 2 SMart, bandang 11:30 a.m.m nitong Lunes, nang mamataan ang binatang food delivery rider sa nasabing lugar.

Sa pangunguna ni Police Captain Edgar Julian, team lider, ay nadakip suspek na kabilang din sa talaan ng most wanted Person (District Level).

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu ni Judge Rebecca Austria Guillen – Obaña , ng Regional Trial Court , Branch 40 ng Manila na may petsang August 14, 2023 para sa kasong homiide.

Kasalukuyang himas rehas na bakal na ngayon ang suspek. Pinapayagan siyang mag piyansa ng P120,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Gayunpaman nabatid kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office ( PIO) ang pasasalamat at papuri ni MPD- Director Police Brigadier General Andre P. Dizon sa walang humpay na ginagawang aksyon ng mga tauhan ng DID- SMaRT sa mga wanted sa Batas..

AUTHOR PROFILE