Rider dedo sa nakahimpil na tractor head

March 29, 2022 Jonjon Reyes 108 views

DEAD on the spot ang isang 27-anyos na rider matapos itong bumangga sa nakaparadang tractor head sa Tondo, Maynila gabi nitong Lunes.

Nakilala ang biktimang si Jude De Guzman, binata, ng Osmeña Street, Tondo.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Aldeen Legaspi, hepe ng Manila Police District (MPD)-Don Bosco Police Community Precinct sakop ng Station 1, bandang 11:10 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang kanyang opisina mula sa isang concerned citizen na umano’y may bumanggang motorsiklo sa isang nakaparadang tractor head.

Agad nakipagkoordina ang kapulisan sa Manila District Traffic Enforcement Unit at sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 10:40 p.m. nang maganap sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard malapit sa Chesa St. sa Tondo ang insidente.

Kinordon ang lugar at agad na rumesponde si P/SSg. Johnny Acebes, na siyang may hawak ng kaso.

Sa dagdag ulat ng pulisya, naka-park noon ang tractor head na may nakakabit na trailer sa naturang lugar.

Kinilala ang driver ng tractor head na may trailer na si Marvin Bagnol, 38; nakaparada lang ang trak nang banggain ang likuran ng trailer ng Yamaha Mio na motorsiklo na minamaneho ng biktima.

Ang bangkay ng biktima ay inawtopsiya sa Lorenzo Funeral Morgue. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE