Default Thumbnail

“Rice price ceiling” proteksyon laban sa mga mapagsamantala

October 1, 2023 Vic Reyes 162 views

Vic ReyesBABALA sa mga taong talaga namang matitigas ang ulo at walang iniisip kundi kumita ng malaking pera sa madaling paraan.

Hindin kayo makalulusot sa mga “highly-trained and dedicated men and women in customs uniform” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Napatunayan na naman ito noong Huwebes, September 28, nang masakote ng mga otoridad ang mahigit na 17 kilograms ng cocaine na nagkakahalaga ng P76.1 million.

Inaresto din ng mga ahente ng gobyerno, na pinangunahan ng mga taga BOC-NAIA, ang dalawang Singaporean nationals na may dala-dalang luggage na may lamang cocaine.

Ang mga Singaporean national, na dumating sa NAIA Terminal 3, ay sakay ng Qatar Airlines flight No. QR 928 na galing Doha, Qatar, ayon sa report ng BOC-NAIA.

Ang mga luggage ng dalawang suspek ay dumaan sa isang “rigorous screening,” kasama ang x-ray scanning at “thorough physical examination.”

Dito na nga nabisto ng mga ahente ang mga cocaine na nakatago sa dalawang luggage ng mga dayuhang pasahero.

Nahaharap ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA No.10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Partner agencies ng BOC-NAIA sa kampanya laban sa illegal na droga ay ang Philippine Drug Enforcement Agency, Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF).

Ang anti-illegal drug drive ay alinsunod sa direktiba nina Pangulong Marcos at Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, parehong mga anak ng Ilocos Norte.

***

Tatlong buwan na lang ay matatapos na ang kasalukuyang taon na kung saan maraming challenges at pagsubok ang nagpahirap sa taumbyan.

Pangunahin na dito ang biglang pagtaas ng presyo ng serbisyo at bilihin, lalong-lalo na ang bigas at iba pang pagkain.

Mabuti na lang at naglabas ng isang order si Pangulong Marcos na nagtatakda ng rice price ceilings para hindi makapag-samantala ang mga walang pusong negosyante.

Nandiyan din ang pag-inspeksyon ng BOC sa mga bodega na ginagamit na imbakan ng mga hoarded at imported rice.

Hindi sapat ang mga measure na ito para ma-address ang mga problema na kinakaharap ng mga kababayan natin, pero malaki ang mga maitutulong nito para hindi na lumala ang sitwasyon.

Sa tingin natin ay natatakot rin ang mga hoarder at profiteer dahil alam nilang nakabantay si Pangulong Marcos sa kanila.

Mahirap yatang makulong.

***

Kawawa naman ang mga kababayan nating mangingisda na nag-hahanapbuhay sa West Philippine Sea (WPS).

Hirap silang makapasok sa mga rich fishing grounds sa nasabing lugar dahil nakabantay dito ang mga naglalakihang barko ng China Coast Guard at militia vessels.

Nasa loob ito ng ating exclusive exonomic zone (EEZ) pero hindi tayo puwedeng basta-basta pumasok sa nasabing lugar dahil itinataboy tayo ng China Coast Guard.

Sana umaksyon na ang ating gobyerno para hindi magutom ang ating mga mangingisda.

Nandiyan naman ang ilang bansa, na kagaya ng Estados Unidos, Japan, Australia at France na handang tumulong sa ating bansa.

Dapat magkaroon na ng joint patrol sa West Philippine Sea para hindi makaporma ang mga Chinese.

Palagay ko hindi tayo basta mabu-bully ng China Coast Guard kung magpapatrolya tayo sa tulong ng ating mga kaibigan.

Wala naman sigurong masama kung magpatulong tayo sa kanila dahil wala tayong kakayahang lumaban sa militar ng higanteng China.

Humingi na tayo ng tulong sa mga kaibigang bansa dahil walang naman talaga tayong kakayahang lumaban sa China.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-tex sa #0917-8624484. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE