Regine

REGINE MAS BET MAGING NATIONAL ARTISTS SINA PILITA AT JOSE MARI

April 9, 2024 Vinia Vivar 117 views

Nagbigay ng reaksyon si Regine Velasquez hinggil sa petisyon ng kanyang fans na ideklara siya bilang National Artist.

Ayon sa Asia’s Songbird sa kanyang panayam sa ABS-CBN, mas marami pang artists na sa tingin niya ay mas qualified na maging National Artist kesa sa kanya.

“Parang nahihiya ako. There are more artists who are more qualified. I don’t think I’m qualified yet,” sey ni Songbird.

“I still have a long way to go. But thank you. I appreciate it very much for the people na nagpu-push. Pero huwag muna, kasi mas marami ang mas inisiip ko na dapat na nandun,” she added.

Kasunod nito ay nagbanggit ng mga pangalan si Regine na mas karapat-dapat umanong maging National Artist.

“I want Pilita Corrales to be a National Artist. Jose Mari Chan. Hindi ko pa panahon ngayon. So huwag na muna. Meron pang mas qualified sa akin.”

Aniya pa, “Those are the people who should be in there at sana malagay sila du’n habang buhay pa sila para ma-enjoy nila.”

AUTHOR PROFILE