Ruffa

Regalong Cartier ni Gerald kay Julia pinagpiyestahan ng netizens

March 11, 2024 Vinia Vivar 148 views

Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang video and photos na ipinost ni Ruffa Gutierrez sa Instagram kung saan ay makikitang dumalo siya sa birthday dinner ni Julia Barretto.

Mapapanood sa photo and video post na binubuksan ni Julia ang red box na birthday gift mula sa boyfriend na si Gerald Anderson.

Ayon kay Ruffa, Cartier ang laman ng kahon na hindi na ipinakita kung jewelry ba o watch.

“Surprise!! Cartier gift from @andersongeraldjr to the birthday girl, @juliabarretto,” caption ni Ruffa.

Sa video ay makikitang tuwang-tuwang si Julia sa gift ng boyfriend. Nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap at hinalikan.

Masayang-masaya rin si Gerald na makitang happy ang girlfriend.

Captiion ni Ruffa sa video, “awwwww!! @juliabarretto @andersongeraldjr love is in the air!! Happy birthday Jules!!”

Sa isang video naman na ipinost ni Ruffa ay makikitang kinakantahan nila si Julia bago i-blow ang candles ng cakes.

“Happy 27th @juliabarretto stay beautiful both inside and out. May all your dreams come true. Love you!!” ang birthday message ni Ruffa kay Julia.

Sa isa pang video ay makikita namang present din sa birthday dinner si Iza Calzado kasama ang anak na si Deia.

Naroroon din, of course, ang mommy ni Julia na si Marjorie Barretto.

Sa IG post ni Gerald ay simple lang ang pagbati niya sa GF.

Aniya, “HBD PARTNER.”

Julia celebrated her 27th birthday last March 10, three days matapos ang ika-35 na kaarawan naman ni Gerald.

AUTHOR PROFILE