Rayver Larawan mula sa IG/@rayvercruz

Rayver gusto nang talian si Julie Anne

November 30, 2023 People's Tonight 129 views

AYON sa aktor na si Rayver Cruz ay hindi na raw sila bumabata pa ng kanyang nobya na si Julie Anne San Jose kaya’t sigurado na raw siya na ang singer-actress ang kanyang pakakasalan.

Sa panayam ng Pep.ph, naikuwento ni Rayver na marami silang pagkakatulad ni Julie Anne tulad ng pagiging masayahin, god-fearing, pagiging family oriented, at hilig sa musika, kaya naman ganoon na lang ang kanilang pagiging magkasundo.

“Talagang pasok na pasok kami sa lahat,” sey ni Rayver.

Nais na raw ng aktor na bumuo ng sarili niyang pamilya dahil tumatanda na rin naman daw siya.

Siniguro naman niyang si Julie Anne ang nais niyang makasama sa altar. Sa isang tradisyonal na simbahan naman ang nais ni Rayver na lugar na paggaganapan kung sakaling ikasal sa singer-actress.

“Mahirap magbitaw ng salita pero malapit na, kasi hindi na tayo bumabata… I want my own family. At kung gusto ninyong marinig, yes, I will marry Julie Anne San Jose,” pahayag ng aktor.

“Alam ng Panginoong Diyos at alam naman niya kung gaano ko siya kamahal… I just know deep in my heart na si Julie Anne na, siya na talaga,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE