Luis Larawan mula sa IG/@jessymendiola

Luis natigalgal sa kaseksihan ni Jessy

November 30, 2023 People's Tonight 116 views

IBINANDERA ng celebrity mom na si Jessy Mendiola ang kanyang sexy body habang suot ang bulaklaking bikini.

Sa kanyang Instagram page nitong Huwebes, Nobyembre 30, ibinahagi ni Jessy ang isang whole body mirror selfie.

Tila wala namang naikuda ang TV host-actor at mister ni Jessy na si Luis Manzano sa bikini photo ng asawa.

“Uhm….” lamang ang iniwang komento ni Luis sa nasabing post ni Jessy.

Samantala, pinutakte naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing larawan ng celebrity mom.

“Grabe,” komento ng aktres na si Carla Abellana.

“Wow parang hindi CS saan po nakatago ang tahi? Apaka sexy namern.”

“Wow parang di na nganak. Dalaga lang.”

“May mga ulam talaga na mas sumasarap kapag ininit mo kinabukasan.”

“Wow paano po naalis yung puson niyo?”

“Maryosep nanganak ba ito?”

“Just to have respect sa asawa mo, may you not post, such.”

AUTHOR PROFILE