Posas

Rape suspek huli sa Mabini

April 2, 2024 Jojo C. Magsombol 55 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nahuli noong Linggo ng mga pulis ang isang suspek sa panghahalay sa Brgy. Bagalangit, Mabini, Batangas.

Beinte anyos, binata, walang trabaho at residente ng Brgy. Bagalangit ang suspek, ayon sa mga pulis.

Nahuli ang suspek bandang ala-1:45 ng hapon sa Brgy. Bagalangit, Mabini, Batangas sa bisa ng warrant of arrest pinagsanib na pwersa ng Mabini Municipal Police Station at iba pang police units.

Inisyu ng acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 1 ng Batangas City ang warrant para sa suspek.

AUTHOR PROFILE