Rachelle

Rachelle Ann nanganak sa pangalawa, ipinagdiwang ang birthday ng una

April 30, 2023 Aster Amoyo 298 views

Rachelle1DALAWANG magkasunod na celebration ang ginawa ng mag-asawang Rachelle Ann Go at Martin Spies nung Marso. Isinilang ng singer and stage actress ang kanilang second baby ng husband niyang si Martin last March 23, 2023 na si Sela Teruah (girl) at 2nd birthday naman ng kanilang panganay na si Lukas Judah three days later, March 26.

Kaya three days apart lamang ang birthday ng magkapatid.

Ang mag-asawang Rachelle Ann at Martin ay unang nagkakilala sa isang church in New York City in January 2017. At that time, si Rachelle Ann was to reprise her role as lead of “Miss Saigon” in Broadway at hindi nito ikinaila na ipinagdasal umano niya na sana’y makilala na niya ang kanyang future husband, not her knowing na ganoon din pala ang dasal noon ni Martin.

They started seeing each other the following month at naging official ang kanilang relasyon in April 2017.

It was in April 18, 2018 nang ikasal ang dalawa sa isang beach wedding in Boracay.

Nung December 1, 2019 ay sinorpresa ni Martin ang kanyang wife with a key to their house in London dahil kagagaling lamang noon ng singer-actress ng Manila to visit her family.

Martin was formerly working in New York, USA pero dahil sa London ang trabaho ni Rachelle Ann, siya na ang nag-move doon to be with his wife.

Parehong God-centered ang mag-asawang Rachelle Ann at Martin kaya smooth ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa laluna ngayong may dalawa na silang anak – a boy and a girl.

Vilma at Christopher tapos na ang shooting sa Tokyo

VilmaVilma1Vilma2TATLONG linggo ring nag-shoot in Tokyo, Japan para sa kanilang reunion movie sina Vilma Santos at Christopher de Leon, ang “When I Met You in Tokyo” na siyang maiden offering ng JG Productions nina Ravena Jamaji at Rajan Gidwani. Kakaiba umano itong romance movie na angkop sa kanilang mga edad ngayon. Kasama rin sa movie ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Cruz, among others.

Ayon kay Boyet ay 27th movie na nila ito ni Vi. Silang dalawa ang may pinakamaraming pelikulang pinagtambalan kaya naging most bankable team-up sila. Some of their films include “Tag-ulan sa Tag-Araw,””Masarap, Masakit ang Umibig,” “Broken Marriage,” “Relasyon,” “Broken Marriage,” “Dekada `70” at marami pang iba.

Bukod sa movie nila ni Boyet ay may gagawin din siyang pelikula sa Reality Studios nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde at malamang na ituloy din niya ang kanyang kauna-unahang weekly TV sitcom.

Vi is at the point in her life and career na gusto na lamang niyang i-enjoy ito nang husto laluna’t natupad na rin ang kanyang pangarap na magkaroon ng apo sa kanyang panganay na si Luis Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola na si Baby Peanut (Isabelle Rose).

Nagpapasalamat si Vi na kahit matagal siyang tumigil sa showbiz ay buong puso pa rin siyang tanggap sa kanyang pagbabalik.

Tambalang Barbie at David sunud-sunod ang project

BarbieDAPAT sana’y sa OctoArts Films ang first movie nina Barbie Imperial at David Licauco na kukunan pa sa Austria mula sa panulat at direksyon ni Veronica Velasco, pero ito’y naurong umano sa buwan ng September dahil mauunang gagawin ng dalawa ang Netflix Original na “That Kind of Love” na sa South Korea pa kukunan. May bagong TV series ding naghihintay sa dalawa sa bakuran ng GMA kung saan sila pareho nakakontrata.

Walang alinlangan na sina Barbie at David ang pinakamainit ngayong tambalan sa Kapuso Network kung saan sila nagtambal sa “Heartful Café,” “Mano Po Legacy, “The Family Fortune” at ang “Maria Clara at Ibarra” series kung saan unang naging mainit ang kanilang team-up bilang sina Clay at Fidel (FiLay).

Derek at Ellen gusto nang magkaaanak

DerekDerek1Derek2PAREHONG pahinga muna sa kanilang showbiz career ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil gusto nilang matuloy ang pagkakaroon ng baby sa taong ito.

In the absence of their own child, focused muna ang dalawa kay Elias (anak ni Ellen sa actor na si John Lloyd Cruz) na parang sariling anak din ang turing ni Derek.

Elias is turning five sa darating na June 27 at naghahanap na rin ito ng kanyang makakalaro.

The boy is well-travelled dahil parati siyang kasama ng mag-asawang Derek at Ellen sa kanilang mga biyahe sa ibang bansa.

Kahit nasa poder ni Ellen si Elias, may time ito with her biological father na si John Lloyd and his girlfriend, Isabel Santos.

‘Tabing Ilog’ alumna magsasama-sama sa isang pelikula

PaoloEXCITED ang mga dating miyembro ng cast ng “Tabing Ilog” (1999-2003) na sina Paolo Contis, Patrick Garcia at Kaye Abad dahil magsasama-sama silang tatlo sa isang drama movie produced ng Mavx Productions, ang film company na nag-produce ng “Doll House,” “A Faraway Land” at “Unravel”.

Pareho nang happily married sina Patrick at Kaye na ang huli ay sa Cebu na naka-base kasama ang kanyang mister, ang ex-PBB housemate-actor at businessman na si Paul Jake Castillo kasama ang dalawang anak. Habang si Paolo ay matagal nang hiwalay sa kanyang ex-wife na si Lian Paz kung kanino siya may dalawang anak na parehong babae na sina Xalene at Xonia. Hiwalay na rin siya sa kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes kung kanino naman siya may isang anak na si Summer habang in a new relationship ngayon ang Kapuso actor with her “Faraway Land” co-star na si Yen Santos.

Excited sina Patrick, Kaye at Paolo sa kanilang muling pagsasama-sama sa isang pelikula. Bukod sa tatlo, ang ilan pa nilang mga naging kasamahan noon sa “Tabing Ilog” include John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Desiree del Valle at Paula Peralejo na siyang bukod-tangi na tumalikod sa kanyang showbiz career to focus on her personal family life. The rest ay pare-pareho pang aktibo at malalaki nang pangalan sa industriya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE