OGIE Si Ogie Diaz at LizQuen nung masasayang araw pa nila. Photo source: Ogie Diaz Facebook account

Ogie: Kung di sinseridad ang pakikiramay, wag gawin

April 29, 2023 People's Tonight 319 views

DAPAT ang pakikiramay sinseridad. Kung hindi wag na gawin. Sa mga bashers ko, quits na muna. Ibigay nyo na sakin ang araw na ito.”

Ito ang mensahe ni Ogie Diaz, showbiz journalist, host at public figure, sa mga netizens at mga bashers sa kanyang pinakabagong showbiz update sa YouTube ukol sa kung sinong mga showbiz personalities ang nakiramay na sa kanya matapos yumao ang kanyang ina.

Hindi minasama ni Ogie ang hindi pa pagpapaabot ng pakikiramay sa kanyang yumaong ina ng dating hawak nitong mga artista na sina Liza Soberano at ang boyfriend nitong si Enrique Gil.

Noong Sabado, Abril 22, pumanaw ang ina ni Ogie sa edad na 87 years old. Nitong Biyernes lamang, Abril 27, inilibing ang kanyang ina sa tabi ng kanyang ama.

Sa kanilang latest video content kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, hindi nagpakita ng kahit katiting na tampo si Ogie sa hindi umano pakikiramay sa kanya ng dalawa.

Sambit ni Ogie sa kanyang video, “‘Di natin alam, baka magpaabot si Liza. So far, wala akong natatanggap na Viber or text kay Liza. Malay naman natin, umabot hanggang Friday.”

Dagdag pa nito, “Pero okay lang naman. ‘Pag kung sino lang ang makakaalala. Hindi naman natin alam, baka sa isang socmed [social media] niya o sa mga ibang post nag-post siya. Pero sa’kin wala, in personal wala. Pero malay mo naman Loi, busy lang ang lola mo. ‘Yun ang isipin natin.”

Sa kabila nito, nagpapasalamat si Ogie Diaz sa mga kaibigan nito sa industriya na nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa yumao niyang ina.

Matatandaan na bumisita ng personal ang ilang mga kaibigan nito na sina Jackie Lou Blanco, ang mentor na si Cristy Fermin, Paolo Contis, Ryan Bang at Sylvia Sanchez.

Sa pagtatapos ng kanyang video, sinabi ni Ogie na, “Ang importante ay mairaos nang maayos ito at maidala ang aking mahal na ina sa kanyang hiling na maitabi siya sa kanyang asawa, sa aking tatay.” Ni FIDES GERONIMO & CHRISTINE MACALALAD (OJTs)

AUTHOR PROFILE