Default Thumbnail

QC sportswear shop nilooban

December 15, 2021 Melnie Ragasa-limena 296 views

PINASOK ng kawatan ang isang sportswear shop at tinangay ang maghapong benta, maging ang mga mamahaling cellphone sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Sa report ng Project 4 Police Station 8 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 8:26 ng gabi (December 14) ng pasuking ang MNL Kingpin Sportswear na matatagpuan sa 170 B 20th Avenue, Brgy Mangga, Project 4, QC.

Batay sa imbestigasyon ni PEMS Ariel Inovejas, nagreport sa kanilang tanggapan si Remelyn Hernando, manager ng Kingpin Sportswear na may dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng helmet at naka-jacket ang biglang pumasok sa tindahan at tinutukan sila ng baril saka nagpahayag ng holdap.

Agad na nilimas ng mga suspek ang benta ng tindahan na P20,000 cash, Iphone 12 cellphone na nagkakahalaga ng P 50,000, Huawei cellphone (P13, 000), Redmi 10 cellphone (P8,000), at (1) redmi cellphone na nagkakahalaga ng P 6,000.

Matapos ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng kulay pink na Mio motorcycle na walang plaka.

Masusi nang inaalam ng mga awtoridad kung may CCTV sa lugar upang makilala ang mga nakatakas na kawatan.