Default Thumbnail

Publiko, pinag-iingat sa mga ‘kawatan’ sa Maynila

October 18, 2022 Jonjon Reyes 217 views

Lalo na ngayong paparating ang Kapaskuhan

NANANAWAGAN si Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon sa publiko na mag-doble ingat sa kanilang mga bitbit o personal na bagay gaya ng mga alahas, cellphones, at bag o wallet kapag sila ay nasa lansangan/

Bunsod ito ng marami pa rin ang malalakas ang loob na kawatan, lalaki man o babae, lalo na ngayon at nalalapit na ang araw ng Kapaskuhan sa gitna ng pinaigting na seguridad at pagpapatrolya ng mga pulis sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, nakorner ang isang 49-anyos na babae, habang nakatakas ang kasamahan nito, makaraang humingi ng tulong ang isang babaeng biktima matapos madukutan ng cellphone na may halagang P12,000 at P5,000 salapi sa panulukan ng Arroceros Street malapit sa Unibersidad de Manla (UdM) sa Ermita, Maynila Lunes ng umaga.

Ang nahuling suspek ay pawang taga-Tondo, Manila habang ang kasabwat nito ay nakatira sa Quiapo.

Desidido naman na magsampa ng reklamo ang biktima laban sa dalawang suspek.

Batay sa ulat na isinumite ni P/Maj. Edward Samonte, hepe ng District Investigation Unit ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) kay MPD Chief Dizon, bandang 10:45 ng umaga nang makarinig ng saklolo ang dalawang tauhan ni Samonte na sina P/Cpl. Edison Agbslog at Pat. Joel Guarin.

Dahil dito, agad na rumesponde ang dalawa at nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner ang suspek at makatakas ang kasabwat nito.

Narekober ang cellphone ng biktima ngunit hindi na nabawi ang isang Michael Kors na wallet na may lamang P5,000 at mga IDs ng biktima.

Dahil dito, kasong paglabag sa Article 308, Theft, RPC (Pickpocket) ang babaeng suspek habang tinutugis ang kasabwat nito na tumangay sa wallet ng biktima.

AUTHOR PROFILE