Purisima BINITBIT ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD sa pamumuno ni P/Maj. Rommel Reyes Purisima (kaliwa) ang isa sa ‘most wanted person’ (MWP) ng station level sa Sta. Ana, Maynila na may kasong VAWC. Kuha ni Jon-jon Reyes

Delivery boy nalambat sa paglabag sa VAWC

October 18, 2022 Jonjon Reyes 545 views

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) makaraang isilbi ang arrest warrant nito dahil sa isinampang kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9262, o “Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004” ng kanyang unang asawa sa Sta. Ana, Maynila, umaga nitong Martes Oktubre 18, 2022.

Ayon kay MPD Director Andre P. Dizon, ang suspek ay isa umanong “delivery boy” at naninirahan sa Onyx St., Sta. Ana, Maynila.

Ang suspek ay kabilang sa “most wanted person” (MWP) sa station level ng Sta. Ana.

Batay sa ulat ni P/Maj. Rommel Purisima, hepe ng MPD DSOU, bandang 10:15 ng umaga nitong Martes nang arestuhin ang suspek sa nasabing lugar.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Delight Aissa Salvador ng Regional Trial Court Branch 29 dahil sa kasong RA 9262 na may petsang Okt. 11 at may inirekomendang piyansa na P24,000.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek matapos maghain ng reklamo ang una nitong asawa, dahil sa umano’y pagpapabaya nito sa una nitong pamilya.

AUTHOR PROFILE