Lito Lapid

PROGRAMA SA IRIGA TAGUMPAY

April 19, 2024 People's Tonight 53 views

HINDI MAGKAMAYAW sa tindi ng kasiyahan ang naramdaman ng ating mga kababayan na mga Bicolano na tumanggap ng mga benepisyo sa halagang P3,950 kada isang tao sa siyudad ng Iriga sa Bicol kamakailan lamang.

Masasabi kong isang malaking tagumpay ang ating programa na ginanap ng sampung araw kung saan ay tulong-tulong ang lahat sa masusing paglilinis o declogging ng mga kanal sa Lungsod ng Iriga na kilalang bahain.

Ang butihing Mayor naman po ng Iriga city sa pangunguna ni Mayor Rex Oliva ay hindi nagpahuli sa ating programa.

Nagpasalamat ang butihin nating Mayor sa ating tanggapan dahil na rin sa ginawa nating pangunguna sa naturang programa ng paglilinis sa kanilang mga kanal at maipagmamalaki ko po na tagumpay ang kinalabasan ng ating proyekto na nilahukan ng ating mga kababayan duon.

Hindi natin makakalimutan ang pagbibigay ng pinansyal na tulong ng Department of Labor and Employment o DOLE sa Rehiyon 5 ng kawani ng nasabing sangay ng gobyerno, kung saan ay umabot sa 200 benepisaryo ang nabiyayaan nito na tunay pong naghatid ng matinding kaligayahan sa maraming pamilya. Hindi rin po magpapahuli sa paghahatid ng tulong ang ahensiya ng Dept. of Social Welfare and Development o DSWD para mga naghihikahos nating mga kababayan.

Patuloy po akong maglilingkod sa inyong lahat sa abot ng aking makakaya. Patuloy po tayong magsusulong ng mga panukalang batas na pakikinabang ng marami nating kababayan sa iba’t ibang parte ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Makaaasa po ang marami pa natin kababayan na tuloy tuloy ang gagawin natin pagbisita sa inyong lugar sa ibat ibang parte ng ating bansa at abangan po ninyo kami sa ating pagkikita kita hanggang sa muli!. Ni Lito Lapid

AUTHOR PROFILE