BBM

Problema sa trapik sa MM inaaksyunan na ni PBBM

April 20, 2024 Chona Yu 59 views

SINOSOLUSYONAN na ni Pangulong Ferdinand `Bongbong” Marcos Jr. ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Sa video message, sinabi ni Pangulong Marcos na nagpalabas na siya ng Executive Order No. 56, na naglilimita sa paggamit sa protocol license plates at Administrative Order No. 18, na nagbabawal sa mga opisyal at personnel ng gobyerno na gumamit ng wang-wang, blinkers at iba pang signaling devices.

“After carefully considering your suggestions, I’m happy to announce a series of initiatives aimed at speeding up our traffic solutions para naman mapaganda ang buhay ng bawat Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng EO 56, sinabi ni Pangulong Marcos na binabawi na ng gobyerno ang mga expired special plate number na ibinigay sa mga dating opisyal ng gobyerno. Mula sa dating listahan na 16 special plate number, ginawa na lamang ito na 14.

“I also issued the Administrative Order No. 18 which prohibits the use of sirens, blinkers, and similar signaling devices by government officials, and personnel. Sa madaling salita, bawal na ang ‘wang- wang’,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, komprehensibo at holistic plan ang gagamitin ng pamahalaan sa pagtugon sa problema sa trapiko.

AUTHOR PROFILE