Pops giliw na giliw sa unang apo

March 17, 2024 Aster Amoyo 647 views

MartinSOBRANG baliw ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa kanyang unang apo sa kanyang panganay na anak with her ex-husband, ang Concert King na si Martin Nievera na si Robin Nievera.

Tinapos lamang ni Pops ang kanyang two-day successful concert sa The Theater at Solaire last February 9 & 10, 2024, ang “Always Loved” kung saan nya special guest si Martin then tumulak siya ng Tokyo, Japan with her younger son na si Ram at saka sila tumuloy ng Amerika to see her unang apo na si Phineas or Finn. Si Finn (palayaw ng bata) ay unang anak ni Robin sa kanyang Chicago-based partner na si Mian Acoba. Ito bale ang first time na nagkita ang mag-lola.

Lolli ang gusto ni Pops na itawag sa kanya ng kanyang apo habang si Martin naman ay Lilo. Lollipops talaga ang palayaw noon kay Pops nung siya’y bata pa hanggang sa pinaiksi na lamang ito sa Pops.

Si Finn ay apo na bale sa tuhod ng mom ni Pops, ang dating actress na si Dulce Lukban gayundin ng mom ni Martin na si Conchita Razon.

Martin was in the US for shows at nakita niya ang kanyang unang apo sa loob lamang ng tatlong oras. Si Mian ay sa Chicago naka-base kaya doon na rin ngayon si Robin.

Sa sobrang pagkagiliw ni Pops sa kanyang first grandson, tiyak na mahihirapan itong iwan when she returns to the Philippines.

Speaking of Pops, there is a clamor for a Valentine concert sa kanila ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera at mukhang mangyayari ito in February 2025 which Pops will produce under her DSL Productions in cooperation with her business partners.

‘It’s Showtime’ lilipat na sa GMA7?

ShowtimeMALAKAS ang balita na ang “It’s Showtime” umano ang papalit sa time slot na binakante ng dating “Eat Bulaga” at “Tahanang Pinakamasaya” ng TAPE, Inc. Kapag ito’y nangyari, tiyak na lalakas lalo ang noontime program ng “It’s Showtime” na pinangungunahan nina Vice Ganda at Anne Curtis among others.

Ang “It’s Showtime” ay kasalukuyang napapanood sa GTV, ang sister channel ng GMA. Kapag ito’y nangyari dito magkakasubukan ang muling salpukan ng “Eat Bulaga” ng TVJ sa TV5 at “It’s Showtime” sa GMA which has a wider reach than TV5.

May balita ring babalik na rin sa telebisyon ang “Wowowin” ni Willie Revillame sa bakuran ng TV5 at makaka-back-to-back umano ito ng “Eat Bulaga” ng TVJ.

Kim at Paulo sila na ba?

TAHIMIK lamang ang break-up nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez nung isang taon na sinundan ng break-up ng dating magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim. Ngayon ay hindi maitatanggi ang closeness na nakikita kina Kim at Paulo na unang nagkatrabaho sa drama series na “Linlang” at ngayon sa VIU series, ang adaptation ng Korean hit series na “What’s Wrong with Secretary Kim” kung saan silang dalawa pa rin ang lead stars.

Hindi ikinakaila ng dalawa na naging close umano dahil halos isang taon silang nagkasama para sa dalawang seryeng kanilang ginawa.

Marami ang kinilig nang mag-promote sina Kim at Paulo ng kanilang bagong serye sa “It’s Showtime” kung saan kabilang ang una kaya hindi nakaligtas ang dalawa sa kantiyaw ng mga kasamahan sa program ni Kim.

Since parehong single ngayon sina Kim at Paulo, posible kayang magkainlaban ang dalawa? O baka naman sila na?

Marami ang nanghinayang na sa hiwalayan nauwi ang relasyon nina Kim at Xian na umabot din ng mahigit 11 taon gayundin naman sina Paulo at Janine na inakala ng marami na magtatagal.

Si Paulo ay may isang teen-age son na si Aki sa kanyang ex-girlfriend, ang dating Kapuso actress na si LJ Reyes na naka-base na ngayon sa Big Apple (New York).

Come April 19 ay magti-34 na si Kim habang si Paulo naman ay magsi-celebrate ng kanyang 36th birthday on May 13. Hintayin natin kung magsi-celebrate ang dalawa na magkasama sa kanilang respective birthdays.

Baron pinagbago ng misis na psychologist

THIS year, actor Baron Geisler (of German-American descent) is celebrating his 30th year in the business. Pumasok siya sa showbiz bilang child actor sa youth-oriented program na “Ang TV”in 1994 at naging bahagi siya ng Star Circle Batch 5 (now Star Magic) kung saan niya kapanabayan si John Lloyd Cruz among others. At one point ay naka-loveteam niya si Kristine Hermosa maging si Jodi Sta. Maria na naging kasintahan niya nung sila’y nagkasama sa “Tabing Ilog” TV series. Sandali ring nagkaroon ng grupo si Baron kasama sina John Lloyd Cruz at Mark Solis pero hindi ito nagtagal.

Habang nagbibinata si Baron ay marami itong kinasangkutang gulo na may kinalaman sa kanyang pagiging alcoholic. Nagsimula siyang uminom when he was 14 hanggang siya’y maging dependent sa alak. Ang siste, nag-iiba ang pagkatao ni Baron kapag siya’y nasa impluwensya ng alak at nakakagawa ng mga bagay na hindi inaasahang magagawa niya.

Baron has had a share of controversies na may kinalaman sa kanyang pagiging alcoholic hanggang mag-desisyon siyang pumasok na ng rehab. In one of their external activities ay nakilala niya ang misis na niya ngayon, ang psychologist from Cebu na si Jamie Marie Evangelista na kanyang niligawan at pinakasalan in civil wedding rites nung September 12, 2019 in Quezon City Hall at kasunod na rito ang pagsilang sa kanilang first baby na si Talitha Cumi nung January 20, 2020.

Jamie has two sons from previous relationships at meron ding anak na babae (o mga anak) ang actor estranged from him sa dati niyang naka-relasyon.

While Baron is a hands-on father to his four-year-old daughter na si Talitha and two stepsons na kinunsider niyang mga anak, gusto rin ng actor na siya’y mapalapit at makabawi sa kanyang anak na babae na hindi niya nakasama at nasubaybayan sa paglaki nito.

Kung tutuusin, maraming pagkakataon at magagandang opportunities ang sinayang ni Baron dahil sa kanyang pagloloko noon at ito’y na-realize niya. Nang tapusin ni Baron ang kanyang rehab, ipinangako niya sa kanyang sarili na pagbubutihin na niya ang kanyang trabaho.

When other producers (from TV and movies) were not interested to hire his services, kakaiba naman ang director na si Brillante Mendoza maging si Coco Martin na siyang muling nagbigay ng tiwala sa kanya. Direk Brillante would always include Baron sa kanyang mga ginagawang pelikula habang si Coco ay isinama niya si Baron sa kanyang top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang kontrobida. Napakahusay ni Baron sa kanyang role as `Bungo’. Ang appearance ni Baron sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ang nagbukas ng marami pang ibang opportunities for the actor dahil muli siyang naging in-demand hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa pelkula.

Although karamihan ng mga proyektong ginagawa ni Baron ay pawang supporting roles, he was given a lead role in Netflix’s “Doll House” kung saan lalong napahanga ang marami sa husay ng acting na ipinamalas ng actor. Ito rin ang nagbunsod sa Viva Films para pagbidahan nila ni Cristine Reyes and “ Dearly Beloved,” na nagtatalakay ng conflict ng isang blended family na pinamahalaan ng “Doll House” director na si Marla Ancheta.

Puring-puri pareho nina Cristine at Baron ang isa’t isa after working together in “Dearly Beloved” under Viva Films which hits the movie screens on March 30.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE