Sherwin Gatchalian

POGOs scary, palaki ng palaki, padami ng padami–Sen. Win

June 6, 2024 PS Jun M. Sarmiento 224 views

PATULOY ang paglaki at padami nang padami ang mga galamay ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) na diumano’y nakikipag alyansa na sa iba’t-ibang pulitiko, awtoridad at kapulisan, dumidikit na sa mga lehitimong negosyante at nakikipag alyansa na sa mga kriminal para maisagawa ang mga krimen.

Ito ang ibinulgar ni Sen. Sherwin Gatchalian at sinabing seryosong banta na sa ating pambansang seguridad ang mga POGO.

“This is really scary due to the fact their influence in various sectors are widening and becoming stronger than one can imagine.

Palaki ng palaki ang mga galamay ng mga ito and it is a sad fact that some politicians are now within the POGO web, as well as police enforcers, some authorities and even legit businessmen, including local syndicates operating in various part of the country and some of them were allegedly even selling drugs.

Nakakatakot ‘pag pinabayaan lamang natin na lumaki ito. Baka one day, we cannot control them anymore,” ani Gatchalian.

Ayon sa senador, tanging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakikita nilang tanging solusyon upang matuldukan ang paglawak ng POGO bago mahuli ang lahat.

Sa isang executive session na ginawa ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, ipinagtapat mismo ng National Security Council (NSC) at iba pang sangay ng pamahalaan na naroroon din kung gaano katindi ang ginagawang paggapang ng POGO para maimpluwensiyahan ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno.

Inirekomenda ng NSC ang total ban sa POGO dulot ng negatibo at nakaka alarmang banta nito sa ating seguridad.

Binanggit ni Gatchalian ang operasyon laban sa mga POGO operators sa Porac, Pampanga kung saan 158 foreign nationals at 29 na mga Pinoy ang nagsasagawa ng mga diumanoy illegal na gawain tulad ng prostitusyon.

Ibinulgar din ni Gatchalian kung papano ang POGO nagiging malaking banta na sa ating seguridad at maituturing na isang panganib para sa mga Pilipino.

Ito’y matapos ang diumanong pagkamatay ni Gilbert Mejia Flores na isang empleyado ng civil registrar ng Tarlac na posibleng konektado sa pagsasaayos ng diumano’y birth certificate ni Mayor Alice Guo gayundin si Engr. Jim Turla na namatay noong May 17.

Namatay diumano si Flores dahil sa suicide pero may mga naunang ulat na may foul play sa pagkamatay nito base sa police report na itinanggi naman daw ng pamilya.

Samantala, heart attack naman ang sanhi ng kamatayan ni Engr. Turla na siyang pumirma sa isinumiteng plano ng mga building na itinayo sa loob ng compound ng POGO na diumano’y pag aari ng mayora sa Bamban, Tarlac.

“Is it a coincidence that these people died? To be honest we don’t know. But it’s becoming a mystery to us because according to reports, Engineer Turla died due to heart attack while the one who allegedly facilitated the birth certificate (Gilbert Flores Mejia) of Mayor Guo, according to his relatives died of suicide.

But police reports earlier claimed some foul play which we really cannot tell because the relatives are saying otherwise. We don’t know the truth.

It is a mystery for us because these people are the missing puzzle. Marami silang maibibigay na paglilinaw sana,” ani Gatchalian.

Ipinaliwanag ng senador na tanging si Pangulong Marcos lamang ang may karapatan at kapangyarihan upang agaran itong mapahinto.

Ganito din ang apela ni Sen. Risa Hontiveros at sinabi pa niya ang total POGO ban lamang ang nakikita niyang solusyon upang masawata ang patuloy na pagdami ng krimen sa bansa.

Inayunan ni Hontiveros ang mungkahi ni Gatchalian dahil ito daw mismo ang ibinigay na solusyon ng mga opisyales ng ibat ibang sanggay ng pamahalaan tulad ng NSC, Anti-Money Laundering Council (AMLC), Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

“AMLC is asking Congress to amend some gaps in the existing AMLC law so they can regulate and implement their jobs properly. Kulang daw ng ngipin sa ngayon ang batas dito. So they can do their job well,” ani Senator Gatchalian.