Default Thumbnail

PNP intel agent patay sa pamamaril sa GenSan

April 21, 2023 Zaida I. Delos Reyes 325 views

PATAY ang isang intelligence agent ng Philippine National Police (PNP) matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek nitong Huwebes ng gabi sa General Santos City.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 12 director Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang biktima na si Corporal Razul Alongan ng Tambler Police Precinct sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng isang kainan sa Barangay Fatima.

Nilapitan umano ng suspek ang biktima at walang sabi-sabing binaril sa ulo.

Dead on the spot ang pulis habang mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa Bgy. Calumpang.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.