Default Thumbnail

PNP: Igalang pasya ng 31M Pilipino

May 14, 2022 Lee Ann P. Ducusin 278 views

NANAWAGAN ang Philippine National Police (PNP) na igalang ang naging pasya ng karamihan ng 31 milyong Pilipino nitong nagdaang halalan at huwag nang gumawa ng mga hakbang para makagulo pa sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni BGen. Val De Leon, PNP deputy director for operations, matapos ang ilang mga kilos protesta ng ilang makakaliwang grupo para hadlangan ang pag-upo ng nananalong kandidato.

“Partial results officially tabulated and released by Comelec initial provide discomfort to candidates and supporters as well. We appeal to the filipino people to respect the will of the people and comelec as the arbiter of this exercise,” ayon kay De Leon.

Bandang 6:32pm nitong Martes sa partial at unofficial result ng presidential race mula sa Comelec Transparency Media Server aabot na sa 98.06% ang kabuuang election returns na natapos ng bilangan.

Landslide winner na si presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mayroong 31, 028,008 na boto kumpara sa 14, 786, 906 na boto ng kanyang pinakamalapit na katunggali na si Leni Robredo.

Kung susumahin ang 98.06% na nakuhang boto ay aabot na sa mahigit 16 milyon ang lamang ni Marcos kay Robredo kaya malabo na itong makahabol pa ayon sa mga eksperto.

Nauna na ring mag-concede ang iba pang presidential bets na sina Isko Moreno, Ping Lacson at Leody de Guzman at tinanggap na ang pagkatalo.

Ilang grupo naman ang nagpa-plano na magsagawa ng kilos protesta para hadlangan ang pag-upo ni Marcos.

Pero iginiit ng PNP na hindi nila papayagan na hadlangan ang pasya ng publiko base na rin sa resulta ng nagdaang mapayapang halalan. Ni LEE ANN DUCUSIN

AUTHOR PROFILE