Ezpeleta

PN, tutol sa pag-alis ng BRP Sierra Madre sa WPS

May 17, 2023 Zaida I. Delos Reyes 248 views

HANDA ang Philippine Navy (PN) na ipagpalaban ang teritoryo ng bansa at hindi nila papayagan na maalis sa West Philippine Sea (WPS) ang BRP Sierra Madre.

Ito ang naging pahayag ni PN Chief of Naval Staff Rear Admiral Jose Maria Abrosio Ezpeleta bilang tugon sa mga ulat na mayroong “pagtatangka” para alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, isa sa mga islang bumubuo sa WPS.

Gayunman, nilinaw ni Espeleta na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na pormal na ulat hinggil sa nasabing usapin.

“We are verifying the reports but per our initial feedback from our people there wala naman po tayong nakikitang ganoon. Kung sakaling totoo man ito, yung mga tao natin diyan always on alert.

We will never allow that,” pahayag ni Ezpeleta.

Iginiit ng PN na mananatili ang Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Matatandaang noong 2014 nang huling igiit ng China ang pag-alis sa BRP Sierra Madre sa ayungin shoal.

Ang BRP Sierra Madre ay may 24 taon na sa Ayungin Shoal.

Kasabay ng nalalapit na pagdiriwang ng 125th anibersaryo ng PN, ipinagmalaki rin nila ang kanilang mga makabagong kagamitan.

Nasa higit 30 na umano ang kanilang air assets at may higit 60 naman ang barko.