Default Thumbnail

PMVIC issue mareresolba ng bagong batas — LCSP

September 5, 2021 Jun I. Legaspi 612 views

POSITIBO ang isang commuter at transport advocate na “batas” ang makakaresolba sa isyu ng controversial na Private Motor Vehicle Inspection Center o (PMVIC).

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) nagtataka sila kung bakit ang napakahalagang tungkulin ng gobyerno gaya ng emission testing at road worthiness inspection ay ipinapasa ng Department of Transportation (DOTr) sa private sector.

Sa isang interview sinabi ni Inton na malinaw na ang batas gaya ng Republic Act 8749 o Clean Air Act (CAA) ay para sa emission habang ang Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code (LTTC) ay para sa roadworthiness.

Magkagayunman, paliwanag pa ni Inton, sa inilabas na Department Order 2018-019 malinaw na ipinasa ng (DOTr) ang roadworthiness inspection at emission testing sa mga accredited (PMVIC) o private sector.

Ayon kay Inton, sa komento na inilabas ng Office of the Solicitor General na “outsourcing” ang ginawa ng DOTr.

Ayon pa kay Inton, nagtataka rin ang LCSP, dahil sa pagaaral ng grupo may inilaang pondo para ma-upgrade ang kasalukuyang MVIC. Bakit kailangan pang ipasa ang roadworthiness inspection at emission testing sa mga private sector?, aniya.

Naniniwala si Inton na kailangan ang bagong batas para masolusyunan once and for all ang isyu tungkol sa PMVIC.

Nauna nang sinabi ng grupo ng mga investor sa PMVIC, na sa buong mundo tanging ang Pilipinas na lang ang hindi gumagamit ng ganitong advanced technology para sa roadworthiness at emission testing, para na rin sa safety at roadworthiness inspections.

AUTHOR PROFILE