Palacio

Plebisito may posibilidad na isabay sa mid-term polls

February 28, 2024 PS Jun M. Sarmiento 111 views

IKINAGALAK ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang naging pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia matapos sabihin ng pinuno ng Comelec na maaari na aniyang isabay ang pagsasagawa ng plebisito sa itinakdang 2025 na eleksyon sa susunod na taun panabay ng regular na halalan para sa pag amyenda ng ilang probisyon sa Saligang Batas sa midterm elections.

Ayon pa kay Zubiri mismong ang Pangulong Marcos Jr. ang nagpahayag ng ganitong posibilidad kung saan ay sinabi aniya nitong praktikal na maituturin ang pagpapanabay ng mid term election at plebisito na magbibigay ng malaking katipiran para sa kaban ng bayan.

“With limited resources and competing priorities, it is imperative that we maximize every peso spent to address the most pressing needs of our citizens, and it also aligns with the vision of the President for the country,” ani Zubiri.

Dinagdag pa ni Zubiri na tinatayang aabot sa P13 billion umano ang matitipid sa gagawin pagsasabay na ito ng eleksyon at plebisito lalo pa at ang makikinabang ng sosobrang pera sakaling maaprubahan ito ay mismong ang taong bayan.

” Katulad po ng nauna na nating sinabi, ang statement po ng COMELEC ay consistent sa kahilingan ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr. na kanyang ipinahayag sa atin nitong nakaraan lamang,” paliwanag ng Pangulo ng Senado.

Para kay Zubiri, ang malaking matitipid na ito na sa kanyang tantiya ay aabot ng humigit kumulang na P13 billion na savings ay pwede aniya magamit sa mga kritikal na imprastraktura bilang proyekto gayundin ang mga social programs, at pagpondo ng pagpapagawa ng mga classroom ng maraming mag aaral na aabot sa 5,200 na silid aralan.

” Alternatively, it could be allocated to various other programs aimed at improving the lives of Filipinos, such as poverty alleviation initiatives, agricultural development projects or infrastructure improvements in rural areas,” ani Zubiri.