NGO DA photo

PhilRice, NGO nag collab vs pesteng army worms

April 19, 2024 Cory Martinez 39 views

NAKIPAGSANIB ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa isang inter-governmental, non-profit organization para sa pagtuklas ng biocontrol agent na makakasawata sa mga pesteng fall armyworms (FAW) na sumisira sa mga palayan.

Tiniyak ng Centre for Agriculture and Biosciences International (CABI) ang pagbibigay-tulong sa PhilRice sa pagsawata sa posibleng outbreak ng FAW sa mga palayan na unang naitala sa Cagayan noong Mayo 2021.

Ayon kay Evelyn M. Valdez, PhilRice senior science research specialist, minomonitor na ng kanilang grupo ang FAW infestation sa Regions II, III at Cordillera Autonomous Region.

Kumolekta na sila ng mga sample ng fungus-infected FAW sa ginawa nilang site monitoring.

“Sa kasalukuyang kaalaman sa research gap hinggil sa epekto nito sa bigas at rice-based farming system sa ating bansa ating binibigyang halaga ang posibleng pinsala na idudulot nito sa ating food security.

Ang pagtuklas ng mga biocontrol method ang siyang pinakamatatag na solusyon dahil na rin sa paggamit ng mga mahal at nakakapinsalang synthetic pesticide ng mga magsasaka sa pagsawata sa peste.

Hiniling na rin natin ang expertise ng CABI sa pagtuklas ng potential biocontrol agent. Magpapadala kami ng mga samples sa kanila upang magsagawa pa ng analysis, matapos na ihiwalay at i-assess ang mga specimen,” ani Valdez.

AUTHOR PROFILE