Martin FOREIGN POLICY ADDRESS – Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na tututukan ng Kamara de Representantes ang pagkakaroon ng mas malakas na national security at economic development sa mga nalalabing sesyon ng ika-19 na Kongreso, sa kanyang mensahe sa “New Initiatives to Grow Business in the Philippines” forum na ginanap ng Martes sa Bulwagang Apolinario Mabini ng Department of Foreign Affairs at dinaluhan ng mga diplomat at opisyal ng gobyerno. “As the representatives of the people, we pledge to pursue these initiatives relentlessly, for the welfare of every Filipino,” ani Romualdez. Kuha ni VER NOVENO

PH PASOK SA $8B US AYUDA

April 23, 2024 Mar Rodriguez 104 views

Martin1Speaker Romualdez lubos na nagpasalamat sa suporta ng US House

NAGBUNGA na ang naging pagsisikap ng delegasyon ng Pilipinas na pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez matapos na makasama ang Pilipinas sa benepisyaryo ng $8.1 bilyong emergency aid package na inaprubahan ng US House of Representatives para sa mga kaalyado nito sa Indo-Pacific.

Ipinaabot ni Speaker Romualdez ang lubos nitong pasasalamat sa suporta ng US House na makatutulong umano sa pagharap ng bansa sa tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

“This is a momentous occasion that underscores the enduring partnership between our nations and the unwavering commitment of the U.S. to fostering stability and prosperity in the Indo-Pacific,” ani Speaker Romualdez.

“We are deeply grateful for the bipartisan effort that has led to the approval of this crucial assistance, which will undoubtedly strengthen the security and resilience of our region,” dagdag pa nito.

Sa botong 385-34, pinagtibay ng US House ang $8.1 bilyong bill na naglalayong maglaan ng halos $4 bilyong security assistance sa Taiwan, Pilipinas at ilan pang mga kaalyadong bansa sa Indo-Pacific.

Kasama rin dito ang $1.9 bilyon para madagdagan ang mga stock ng Estados Unidos upang matulungan ang mga kaalyado nito sa Asya, ang $3.3 bilyon para sa submarine infrastructure at ilan pang karagdagang probisyon.

Sa ginanap na debate, ipinasok ang isang probisyon na naglalayong tiyakin na makararating sa Pilipinas ang tulong para sa seguridad.

Nagpasalamat din si Speaker Romualdez kay Rep. Darrell Issa (Republican-California) na siyang nagsulong ng panukala, at humikayat sa US State Department na maglaan ng $500 milyon sa Foreign Military Financing (FMF) para sa Pilipinas.

“The passage of this amendment underscores the deepening partnership between our nations and highlights the United States’ commitment to enhancing the defense capabilities of the Philippines,” ayon kay Romualdez, pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“I extend my heartfelt gratitude to Rep. Darrell Issa for his steadfast dedication to advancing our shared interests and for his pivotal role in advocating for this significant allocation of military aid to the Philippines,” ayon pa sa mambabatas.

Ang pagsasabatas ng bipartisan measure ay bahagi rin ng mga napag-usapan ng delegasyon ni Speaker Romualdez at ng mga mambabatas ng Amerika sa Capitol Hill sa Washington D.C.

Ang deliberasyon ay nataon din sa makasaysayang trilateral summit sa pagitan nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“The constructive dialogue and shared vision exhibited during our meetings exemplify the enduring partnership between our nations,” sabi ni Speaker Romualdez.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez: “This aid package symbolizes our collective resolve to fortify the bonds of friendship and cooperation in the Indo-Pacific.”

Ang tulong na nagkakahalaga ng $8.1 bilyon sa Indo-Pacific ay bahagi ng $95.3 bilyong emergency aid package, kasama na ang kinakailangang suporta sa mga kaalyado ng US tulad ng Ukraine at Israel. Ang nasabing panukala ay isasalang naman sa Senado para sa pinal na pagboto.

“The bipartisan consensus underscores the paramount importance of standing united in addressing shared challenges and advancing common objectives,” ayon pa kay Romualdez.

Ang pakikilahok ng delegasyong Pilipino sa mga mambabatas ng Amerika ay pinagtibay sa pagkakaibigan at palitan ng kultura, na ipinakita ng “balut diplomacy” kasama si California 6th District Rep. Ami Bera.

Binigyang pagkilala rin ni Romualdez ang mainit na pagtanggap na ibinigay ng mga mambabatas sa Amerika, at ang kahalagahan ng matibay na pagkakaibigan.

Iginiit pa ng mambabatas na ang tulong, na sumasaklaw sa mga probisyon para sa mga pangunahing kaalyado ng Estados Unidos, ay nagpapakita ng isang komprehensibong pamamaraan sa pagtugon sa umiiral na geopolitical dynamics.

“This multifaceted assistance package reaffirms America’s steadfast commitment to promoting peace, prosperity, and security in the Indo-Pacific and beyond,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Kumpiyansa rin si Speaker Romualdez na ang hakbang ng US House ay higit pang magpapatibay ng ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng Amerika at mga kaalyadong bansa nito sa Indo-Pacific region, kasama na ang Pilipinas.

“As we navigate complex global challenges, the bonds forged through mutual respect, understanding, and cooperation will serve as the cornerstone of our shared aspirations for a brighter future,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Sa naging pulong kasama ang mga mambabatas ng Amerika, hiniling ni Romualdez ang karagdagang security assistance sa Pilipinas dulot na rin ng mga banta sa kasarinlan at katiwasayan sa rehiyon sa WPS.

Giit pa ng mambabatas, mahalaga ang karagdagang tulong sa FMF sa Pilipinas, bilang tugon sa tumataas na tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Ang panukala, ayon pa kay Romualdez, ay magpapabilis sa military modernization ng bansa at sa kakayahan nitong ipatupad ang mga batas na isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kasarinlan at kapayapaan sa rehiyon.

Kabilang sa hiniling ni Romualdez sa kanyang pagbisita ang pagpapalawak ng joint military exercise sa Pilipinas, karagdagang tulong sa US FMF, gayundin ang pagtanggap sa Philippines Enhanced Resilience Act of 2024 (PERA Act), kasunod ng serye ng mga pulong kasama ang mga mambabatas ng Estados Unidos, kabilang na si Sen. Bill Hagerty ng Tennessee.

Nagpasalamat din si Romualdez kay Hagerty (Republican) at Sen. Tim Kaine ng Virginia (Democrat) na siyang nagpakilala sa US Senate ng PERA of 2024, o ang panukalang nagsusulong ng $500 milyon kada taon na FMF para sa Pilipinas para sa 2025 hanggang 2029, o kabuuang $2.5 bilyon sa loob ng limang taon.

Ang bipartisan measure ay iniharap noong April 10, isang araw bago ang trilateral summit sa Washington D.C.

Sa pagsusumite ng panukala, sinabi ni Hagerty na kinakailangan ng Estados Unidos at Pilipinas na higit pang palakasin ang kooperasyon at mas mataas na antas ng pagtutulungan sa matagal nang pagkakaibigan.

Sinabi naman ni Kaine, mahalaga na may mapagkukunang tulong at suporta ang Pilipinas lalo na sa patuloy na tensyon sa WPS.

Ang US FMF program ang nagbibigay ng donasyon para sa US defense equipment, services at training.

Layunin nitong itaguyod ang interes ng pambansang seguridad ng US sa pamamagitan ng pagbibigay ng kontribusyon sa regional at pandaigdigang katatagan, pagsusulong ng military support sa mga pamahalaang may banta ng terorismo, armas, drugs at human trafficking.

Tinalakay din sa pulong ang kalagayan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at US, kabilang na ang inanunsyo ni President Marcos na karagdagang apat na EDCA Agreed Locations, na ngayon ay may kabuuan ng siyam na lugar.

Binigyan diin pa ni Romualdez ang kahalagahan ng pagpapalakas ng defense at economic cooperation ng Pilipinas at Amerika sa isinagawang pagtitipon ng miyembro ng US-Philippines Friendship Caucus sa Capitol Hill sa Washington, D.C.

Kabilang din sa dumalo sa pulong sina Reps. Issa, Gregorio Kilili Camacho Sablan ng Northern Mariana Islands, Robert “Bobby” C. Scott ng Virginia, Don Bacon ng Nebraska, at James C. Moylan ng Guam.

Nakipagkita rin si Romualdez kina Hagerty, Bera, Sen. Christopher Van Hollen ng Maryland, Rep. Gary Palmer ng Alabama, Rep. James R. Baird ng Indiana, Rep. Ed Case ng Hawaii, at Rep. Brad Sherman ng California.

Bukod kay Romualdez, kabilang din sa delegasyon ng Pilipinas sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” Aquino ll, House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco, Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, Ambassador to Japan Mylene Garcia-Albano, House Sergeant-at-Arms PMGen. Napoleon “Nap” C. Taas (ret), at House Deputy Secretary Generals Jennifer “Jef” Baquiran, David Robert Amorin at Sofonias “Ponyong” Gabonada Jr., at mga opisyal ng embahada ng Pilipinas.

AUTHOR PROFILE