Madrona Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona

PH magiging tourism powerhouse ng Asia dahil kay Frasco — Madrona

August 3, 2023 Mar Rodriguez 875 views
Frasco
DOT Sec. Christina Garcia Frasco.

IKINAGALAK ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pagbibigay ng Department of Tourism (DOT) ng prayoridad sa culinary tourism.

Sinabi ni Madrona na malaki ang maitutulong ng “culinary tourism” para sa Pilipinas sapagkat hindi lamang makikilala ang bansa dahil sa “fun and adventure” kundi dahil na rin sa mga pagkaing Pilipino na lubos na kinagigiliwan ng mga banyaga.

Naniniwaala si Madrona na hindi maglalaon ay makakamit ng Pilipinas ang tina-target nitong goal para mging “tourism powerhouse” sa buong Asya dahil sa mga magagandang programang isinusulong ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia Frasco.

“Ang culinary tourism ay magsisilbing dagdag attraction para sa Philippine tourism sa tulong ng mga mahuhusay at talentadong Filipino chefs sapagkat mas makikila ng mga dayuhang turista ang Pilipinas sa pamamagitan ng mga native na lutuin at pagkain na naging bahagi na ng kultura ng mga Pilipino,” ani Madrona.

Optimistiko din ang kongresista na sa pamamagitan ng National Tourism Development Plan na inaprubahan kamakailan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ay maganda ang hinaharap ng Philippine tourism.

AUTHOR PROFILE