Guevarra Inendorso ni Nelson Guevarra ang mga donasyong tent kay Manila 3rd District Congressman Joel Chua (ikatlo mula kaliwa) kasama si Bgy. Chair Jefferson Lau (kaliwa) bago ipagkaloob sa mga kapulisan at kay P/Lt. Col. Ramon Czar Solas commander ng MPD Stn. 3 (ikaapat sa kanan). Kuha ni Jon-jon Reyes

PGFlex naghandog ng tent para sa MPD

September 30, 2022 Jonjon Reyes 123 views

ANIM na bagong tent ang ipinagkaloob ni Nelson Guevarra, CEO (Chief Executive Officer) ng PGFlex at chairman ng External Committee ng Federation of the Filipino Chinese Chamber of Commerce Industry Inc. (FFCCCII) sa mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) Sta. Cruz Police Station 3, Biyernes ng umaga.

Pormal namang tinanggap ni Manila 3rd District Congressman Joel Chua ang mga tent mula kay Guevarra na siyang nag-turnover kasama si Bgy. Chairman Jefferson Lau bago tuluyang ibigay sa MPD Stn. 3 sa ilalim ni Police Lt. Col. Ramon Czar Solas.

Ipapamahagi ang mga tent sa mga PCP (Police Community Precinct) commanders na kinabibilangan nina P/Lt. Ferdinand Cayabyab ng Blumentritt PCP, P/Maj. Arnold Echalar ng Alvarez PCP, at P/Cpt. Rowel Robles ng Plaza Miranda PCP.

Ipupuwesto ang mga ito sa mga matataong lugar tulad ng simbahan, palengke at malapit sa mga hospital na daanan ng mga tao upang magsilbing sumbungan at magiging silungan ng mga kapulisan habang nagbabantay ang mga ito sa kanilang mga area of responsibility.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga kapulisan sa pamumuno ni Solas at sisiguraduhin nito ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa buong nasasakupan ng Sta. Cruz Police Station dahil sa nalalapit na Undas at Kapaskuhan.

Dahil dito, buo ang naman suporta ni MPD Director Andre P. Dizon kay Solas at sa mga PCP commander sa patuloy nilang paglilingkod sa mga mamamayan, at panatilihin ipatupad ng mga kapulisan ang “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE