Purisima Kinakausap ni PMaj. Rommel Reyes Purisima hepe ng DSOU MPD ang naarestong suspek na dating aktor dahil sa ilegal na droga. Kuha ni Jon-jon Reyes

Dating actor timbog sa ilegal na droga

September 30, 2022 Jonjon Reyes 322 views

HINDI na nagawang nakapalag ng isang dating actor makaraang maaresto sa bisa ng arrest warrant sa San Andres Street, Malate, Maynila, Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Andre Perez Dizon ang suspek na may alyas na “Cris Bugoy”, residente ng Singalong, Malate.

Ayon sa ulat ni P/Maj. Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD, bandang 2:00 ng hapon nang masakote ang binata sa panulukan ng Osmeña Highway at San Andres St. sa Malate

Ayon kay Purisima, natunton ang suspek sa nasabing lugar dahil na rin sa matagal na itong sinusubaybayan ng mga operatiba.

Inihain sa suspek ang arrest warrant na inisyu ni presiding judge Noli Diaz ng Regional Trial Court Branch 39 ng Maynila dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Section 11 ng Article ll (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

AUTHOR PROFILE