PCO

PCO: Pagdalo sa Bagong Pilipinas rally di obligado

January 27, 2024 Chona Yu 101 views

BOLUNTARYO at hindi obligado ang nga kawani ng gobyerno na dumalo sa “Bagong Pilipinas” kickoff rally ngayong Enero 28 sa Maynila.

Pahayag ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa gitna nang kumakakalat ng umano’y memorandum na inoobliga ang mga kawani ng gobyerno na dumalo.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO)Secretary Cheloy Garafil, walang katotohanan ang naturang ulat.

Sinabi naman ni PCO Undersecretary Gerry Baria na rebranding ng administrasyon ang kick off rally.

Hindi naman matukoy ni Baria kubg magkano ang gastos sa rally. .

Sinabi naman ni PCO director Cris Villonco na pangunguhan ng First Family ang naturang pagtitipon kung saan inaasahan na 200,000 katao ang dadalo dito mula sa ibat ibang sektor.

AUTHOR PROFILE