BBM

PBBM kinondena ang pag-atake ng ISIS sa Russia

March 23, 2024 Chona Yu 89 views

MARIING kinondena ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ginawang pag-atake ng ISIS sa concert hall sa Moscow. Russia kung saan 115 katao ang nasawi.

Ayon kay Pangulong Marcos, nakalulungkot ang naturamg insidente.

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa mga naulilang pamilya.

“I am profoundly saddened by the innocent lives lost in the horrific ISIS attack at the concert hall in Moscow. My deepest condolences to the families affected by this senseless act of terrorism. We stand united in condemning terrorism in all its forms,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa ang nasa kritikal na kalagayan.

Inako na ng grupong ISIS ang pag-atake.

AUTHOR PROFILE