Default Thumbnail

Pasyente tumalon sa ika-6 palapag ng ospital

May 12, 2022 Jonjon Reyes 306 views

SINASABING “depresyon” ang nag-udyok upang tuluyang wakasan ang buhay ng isang 47-anyos na pasyente matapos tumalon ito sa balkonahe ng ika-anim na palapag ng Ospital ng Sampaloc.

Lasog ang katawan at ang bungo ng biktima na nakatira sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni Det. Jay Irene Manalili ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, naganap ang insidente bandang alas-10:15 ng gabi sa naturang ospital.

Kasama umano ng biktima ang kanyang pinsan at naghihintay sa pagtaas ng elevator nang biglang tumakbo ang biktima sa balkonahe ng hospital.

Hinabol umano ang biktima ng security guard na si Jonathan Garduce at tinangkang pigilan ang biktima pero nahawi ang kamay at nakasampa sa balkonahe at saka lumundag na nakataas pa ang braso.

Lumagabog sa ikalawang palapag ng ospital ang biktima mula sa pinagtalunan na ika-anim na palapag. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE