Sunog Nagtulong-tulong ang mga fire volunteer na buhatin ang mga biktima ng sunog. Kuha ni JON-JON REYES

Pamilya, buntis patay sa sunog sa Sta Cruz

February 20, 2022 Jonjon Reyes 162 views

NAMATAY ang isang buong pamilya kabilang ang isang buntis matapos sumiklab at lamunin ng apoy ang kanilang tinitirhang bahay habang sugatan ang isa sa Sta Cruz Manila Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Rina Mae Hernandez, 21, Dennis Cadag ,15, at dalawa pang hindi pa nakikilalang mga bata kabilang ang isa pang sugatan na nakilalang si Jimmy Canillas na asawa ng nasabing buntis.

Batay sa report na isinumite ni P/ Major Chey Chey Saulog, hepe ng Alvarez Police Community Precinct kay MPD- Commander, P/ Lt. Col.John Guiagui ng MPD- Sta. Cruz Police Station 3, bandang 9:45 a.m. nang sumiklab ang sunog sa Maria Natividad St., malapit sa Mayhaligue at Remigio St., sa Sta.Cruz, sakop ng Brgy.316.

Agad naapula ng mga pamatay sunog ang apoy matapos na makipag ugnayan ang pulisya sa Manila Fire Department sa San Lazaro Fire Station.

Patuloy naman ang masusing imbistigasyon ng mga pamatay sunog kung saan ito nag mula matapos na makarinig ng isang pagsabog bago nangyari ang nasabing sunog. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE