Default Thumbnail

Palatandaan na malapit na ang Pasko

November 10, 2021 Allan L. Encarnacion 382 views

Allan EncarnacionTULOY na ang kasalang Kris-Mel.

Hindi totoo ang tsismis na ninong si Philipp Salvador. Wala ring katotohanang abay sina James Yap, Joey Marquez at Robin Padilla.

Congratulations sa would-be man and wife.

Walang basagan ng trip, habang may buhay, puwede pa ring tumibok ang puso!

Mga lolo’t lolang binata’t dalaga na, huwag malungkot, may pag-asa pa.

***

Payag na si DILG Secretary Ed Ano ipatanggal na ng local government ang mandatory na paggamit ng face shield.

Mabuti naman dahil napakahirap kayang huminga nang nakamaskara ka na, may face shield ka pa!

Sa wakas, mag-iiba na rin ang ating anyo!

Thanks Sec Ano.

***

Bumalik na sa pre-pandemic ang traffic situation sa Metro Manila, na lalo pang pinatindi ng holiday rush.

Kahit saan ka dumaan ngayon ay nagkakabuhul-buhol na ang mga sasakyan, sangkatutak pa ang mga tricycle sa mga national roads na dapat ay bawal sila doon.

Baka kailangan nang ibalik ang number coding, Chairman Abalos.

***

Happy 56th bday nga pala kay General Guillermo Eleazar sa Nov 13.

***

Life is unfair, ika nga.

Iyong iba, pagkagising may sports car na sa kanyang garahe. Iyong iba naman pagkagising, nawala na ang sasakyan nila na ipinarada sa harap ng bahay bago matulog!

May mga tao talagang malas, may mga tao ring buwenas.

***

Ano ang palatandaan nyo sa inyong mga lugar na humuhudyat na malapit na talaga ang Pasko?

Maraming dekorasyon sa mga malls? Wrong.

Bumabait ang mga kasambahay? Wrong?

Lumalamig na ang panahon? Wrong pa rin.

Sa amin, madali naming nalalaman na magpapasko na kasi araw-araw na dumarating ang trak ng basura!

[email protected]