Jacklyn

Pakikiramay sa pagkawala ni Jaclyn, dumagsa

March 4, 2024 Vinia Vivar 88 views

Dumagsa sa social media ang pakikiramay at pagdadalamhati ng celebrities sa pagpanaw ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.

Pumanaw si Jaclyn noong Sabado, March 2, dahil sa atake sa puso. She was 60.

Sunud-sunod ang pag-alala at pagbibigay-pugay ng mga kapwa-artista lalo na nga ang mga nakasama ni Jaclyn sa proyekto.

Mula kay Alden Richards, “My heart aches like a son who lost his mom…You will be with me always. I love you my tita Jane.”

From Katrina Halili, “Thank you tita jhane, dinalaw mo pa ako 2weeks ago para i comfort ako, salamat sa mahigpit na yakap, oras at pagmamahal. Rest in peace😢 mahal kita!”

Nag-post din si Marian Rivera ng larawan nila ni Jaclyn at aniya sa caption, “Paalam Nanay Florencia #Jaclyn Jose.”

Nagbigay-pugay din si Alfred Vargas na isa sa mga huling nakasama ni Jacklyn via the movie, Pieta.

“It’s hard to put into words how I feel,” simula ni Alfred.

“Ms. Jane, to work with you — to know you, to share a scene with you, to finish PIETA with you, and to be inspired by you — is one of the greatest honors for me as an artist and human being.

“Maraming salamat at naging bahagi kayo ng karanasan ko bilang isang aktor. Habambuhay kong hawak ang mga ala-alang kasama kayo at makita sa aking sariling mga mata ang hindi mapapantayang pagmamahal ninyo sa ating sining. Rest in peace, Ms Jane.”

Ayon naman kay Iza Calzado ay “in shock” pa siya sa pagpanaw ni Jaclyn at nagbigay ng mahabang tribute para sa veteran actress.

“Like everyone else, I am still in shock as I begin to write this tribute for you,” ani Iza.

“I last saw you, briefly, at a party for actors where we came together to further understand the Eddie Garcia Bill. You passionately asked questions and, with no pretenses, expressed your personal opinion and concerns on a lot of things. I had no idea that would be the last time I would see you.

“Kung alam ko lang, I would have hugged you more that night, yung yakap na sobrang higpit para alam mo na mahal na mahal kita. I truly love, respect and appreciate you, Jane Guck,” bahagi ng tribute ni Iza.

From Dimples Romana, “Lost another true icon 💔 @jaclynjose

Tita Jane , I remember all the laughter, the lessons you generously taught me as a young actor back when we were shooting this movie in 2001 and for our May Minamahal remake 🥺 mahal kita at laging yayakap ng mahigpit ❤️ you will never be forgotten.”

Samantala, ayon sa isang source, malamang na mabago pa ang initial na plano ng pamilya na closed casket sa wake ni Jaclyn.

Habang tinitipa ito, nagpasabi umano ang pamilya na ngayong gabi pa lamang sila makakapunta sa punerarya kaya wala pang kasiguraduhan kung ilalagay nga ba sa closed casket o iki-cremate ang mga labi ng premyadong aktres.

AUTHOR PROFILE